Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boy Abunda decides to campaign for Noynoy Aquino in 2010 elections

Boy Abunda decides to campaign for Noynoy Aquino in 2010 elections

Author: Bernie Franco

"In the true sense of the word, I really feel na he is my other brother," ito ang sinabi ni Kris Aquino tungkol kay Boy Abunda nang magpasya ang King of Talk na mula sa Nationalista Party ay liliipat ito ng Liberal Party upang suportahan ang kandidatura ni Noynoy Aquino sa nalalapit na presidential elections. Sa panayam kay Kris ay sinabi pa niya na handa umanong magbenta ng kanyang dalawang bahay si Boy upang malikom ang pondo para sa kampanya ni Noynoy. Kuwento pa ni Kris tungkol kay Boy, "Sabi niya huwag lang (ang bahay) sa Samar daw dahil 'yun ang ancestral home at binuo n'ya yun for (his) nanay. Sabi ni nanay, 'Hindi Boy, isama mo na rin 'yon.'" Naging sentimental si Kris sa ginawang ito ni Boy at sinabing hindi lang kasi magkaibigan ang turingan ng dalawa kundi magkapamilya. "Actually ang dalas binibilin ng mom sa kanya, especially when mom was sick, na 'Ikaw bahala kay Kris kasi sa 'yo nakikinig 'yan,'" kuwento ni Kris.

Samantala, ikinuwento rin ni Kris na handa rin niyang ibenta ang bahay nila ng asawang si James Yap subalit tinutulan ito ni Noynoy. "Sabi niya (Noynoy), 'Thank you very much, pero hindi ako pinalaki ng dad na kukunan ko ng bahay ang mga anak mo.' Sabi niya, 'Hindi ko naman kaya 'yan, God will provide.' Tapos sinabi niya, 'Wag 'yung bahay mo. Kailangan kung anuman ang mangyari may matitirhan kayo.'" Biniro pa umano ni Kris ang kanyang kuya dahil malamang natatakot lamang na makasama niya si Kris sa ancestral home nila sa Times Street.

Upang makatulong umano sa kapatid sa pagkalap ng pondo, sinabi ni Kris na hahatiin niya sa tatlo ang kikitain sa mga pending na endorsements. "Sabi ko para one third kay Joshua, one third kay Baby James, one third sa kanya. Wow Mama Kris talaga," sabay tawa ni Kris. May mga showbiz personalities na rin na nagpahayag ng kanilang suporta at handa umanong ikampanya si Noynoy nang walang bayad gaya nina Claudine Barretto, Bea Alonzo, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Jim Paredes, at Mariel Rodriguez.

Nais umano ng pamilya Aquino na pagtulungan nila ang paglikom ng campaign fund at hindi na hihingi pa ng tulong sa mga negosyante para hindi na magbayad pa umano ng utang na loob.

Source: ABS-CBN Interactive