Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Boy Abunda talks about his talents and "The Buzz" controversy

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-talent manager na si Boy Abunda sa ginanap na induction of officers and members ng Entertainment Press Society (Enpress) noong Miyerkules, April 16, sa Baliwag Grill and Restaurant, E. Rodri...

 

Boy Abunda talks about his talents and "The Buzz" controversy

"Bukas naman ako sa iba't ibang opinion. Bukas talaga ako. Iginagalang natin 'yan. Pero wala akong problema, e. I'm happy with The Buzz. I'm happy with Ruffa [Gutierrez]. I'm happy with Cristinelli [Cristy Fermin]. I'm happy, espec...

Author: Rose Garcia


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-talent manager na si Boy Abunda sa ginanap na induction of officers and members ng Entertainment Press Society (Enpress) noong Miyerkules, April 16, sa Baliwag Grill and Restaurant, E. Rodriguez Ave, Quezon City.

Ilan sa mga kinumusta ng PEP kay Boy Abunda ay ang kanyang mga alagang artista at rulings niya sa mga ito. Totoo ba na may ruling siya sa mga alaga niya na huwag aamin pagdating sa mga relationship, unless unang umamin ang lalaki?

"No," tanggi ni Boy. "Listen to this, kay Mariel [Rodriguez] lamang yun. There was a time na naba-bother lang ako. Alam n'yo naman si Mariel, di ba, daldal nang daldal, sinasagot lahat ng mga tanong. Medyo nirendahan ko lang siya ng konti. Na parang, 'Ikaw naman daldal ka nang daldal, hindi pa nga nagsasalita ang lalaki. Kung ano ang nagaganap sa inyo sa pribadong buhay, hindi namin nakikita yun. So, dapat makita naman ng publiko na mauna munang magsalita ang lalaki. Baka mamaya, hindi ka pa nililigawan, sinasabi mo nang may relasyon na kayo.'

"Pero kay Mariel lamang yun at choice ng sinumang involved. E, kung si Ai-Ai delas Alas [another talent of Boy] naman, maski sabihin pa ni Ai-Ai bago pa sila nagkakilala, e, okey lang sa akin. E, kaya ni Ai-Ai dalhin yun!" tawa ni Boy.

MARIEL & ZANJOE ROMANCE. Ayon kay Boy, nang magsalita na raw si Zanjoe Marudo tungkol sa relasyon nila ni Mariel, nagpasalamat naman daw ang talent manager sa model-actor sa isa niyang mga programa.

"Sinabi ko yun sa isa kong mga palabas. Salamat at nagsabi na rin siya na hindi ko kinakailangan kausapin si Mariel. It happened on its own condition and I'm glad. Thank you, Zanjoe."

"Para naman ako ang niligawan ni Zanjoe at nagpapasalamat ako!" natatawa niyang dagdag.

Naitanong din kay Boy, paano kung mauwi sa kasalan sina Mariel at Zanjoe?

"Ay, igagalang ko yun," sambit niya. "Igagalang ko yun kung gusto na nilang manahimik. Pero ito lamang ang sasabihin ko, hindi mangyayari 'yan!" tawa ni Boy.

"Masyadong mahal ni Mariel ang kanyang trabaho. At saka, nagsisimula pa lang. Hindi pa siya nakakarating sa gitna kaya hindi aatras yun. Sobrang tapang ni Mariel at alam niyang kaya niyang paghaluin 'yan. And I like that. Nasa diskarte mo 'yan kung paano mo paghahaluin ang pag-ibig at trabaho. Hindi ako naniniwala na kailangang isantabi ang isa para pasayahin ang iba."

Para kay Boy, naniniwala siya na instead na maging negative, naging positive pa ang mga nangyaring intriga kay Mariel during her stay inside the Pinoy Big Brother house noon.

"Ang nakaganda roon, nalaman ng mga tao na palatawa, komedyante, mabait, medyo palabiro, pero she's not perfect. At natuto siya sa kanyang mga pagkakamali.

"Ang mahalaga roon, I think makita ng publiko na natuto at binago niya ang sarili niya. Ang dami niyang natutuhan doon. 'Di ba nga, sinabi niya sa akin na bago raw siya pumasok sa bahay ni Kuya, e, hindi niya ma-appreciate yung isang box ng chocolate? Paglabas niya, big time na sa kanya yun. Mahalaga sa akin yun bilang manager," pahayag ni Boy.

RUFA MAE & BOBBY. Masaya rin daw ang talent manager sa nangyayari sa lovelife ng isa pa niyang alaga na si Rufa Mae Quinto, na ang boyfriend na si Bobby Lopez ay nagtatrabaho sa Hong Kong.

"Masaya rin ako ro'n. Finally... Pero baka mausog, e, huwag tayong magsalita nang patapos. Pero sana, 'yun na nga! Matagpuan na niya yung kanyang tunay na pagmamahal."

ISSUE WITH CRISTY. Pinag-uusapan pa rin ngayon ang absence ng co-host ni Boy na si Cristy Fermin sa The Buzz last Sunday, April 13. Iba't ibang ispekulasyon at maraming tanong ang naglabasan. Isa na nga rito ay kung mawawala na nga ba nang tuluyan si Cristy sa show at kung papalitan na siya kung sakali.

Lalo pang lumakas ang haka-haka tungkol sa diumano'y pag-alis ni Cristy sa The Buzz dahil may plug na nagpapahiwatig ng pagbabalik ng dating Kapamilya sa naturang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN. Marami ang nag-aakala na si Kris Aquino ang tinutukoy, ngunit may nagsasabi namang posibleng pinaiingay lang ang pagbabalik ni Cristy after her absence last Sunday.

So, mawawala na ba talaga si Cristy sa The Buzz?

"Ay, hindi ko alam 'yan!" bulalas ni Boy. "Hindi ko masasagot 'yan. Wala sa aking posisyon, sa aking tungkulin ang mag-confirm. I'm shocked by the question. Hindi ko alam.

"Nagkaroon ng problema, pero hindi ko alam na aabot naman saan... Ang sabi ko nga, the best person to talk to is Cristinelli. She will be able to explain. Pero as far as I'm concerned, bilang kasamahan, bilang host at bilang kaibigan, hindi pa ko umaabot sa ganoon. Sana naman hindi."

Dagdag niya, "Pero ang sabi ko na lang kanina, sana hindi nangyari ang dapat mangyari. Sana hindi nangyari ang nangyari. Iyon sana yung... Ang dami kong natutunan sa karanasan na yun. Pero patawad, dahil wala akong detalye. Pero sana, hindi talaga nangyari ang nangyari."

Ipinarating din namin kay Boy ang ilang komento ng PEPsters na dapat ay tanggalin ang ilan sa mga kasamahan niya sa The Buzz para lalong gumanda ang kanilang programa. Ano ang masasabi no Boy rito?

"Bukas naman ako sa iba't ibang opinion," saad niya. "Bukas talaga ako. Iginagalang natin 'yan. Pero wala akong problema, e. I'm happy with The Buzz. I'm happy with Ruffa [Gutierrez]. I'm happy with Cristinelli. I'm happy, especially with the staff.

"Nine years old na ang show. Maraming pagbabago ang magaganap, siguro with the next few years. Sanay na ko, di ba? I work hard. I work hard with the show."

Dugtong niya, "Hindi ko rin kasi call 'yon, e. Ako ay isang host. Call 'yan ng mga namamahala ng produksiyon at programa."

Pero sinabi rin ni Boy na kung may papasok man daw na bago sa kanilang programa, sinasabihan naman at nagpapasintabi rin daw sa kanya ang production bilang isa sa mga nagsimula na rin ng programa. Pero, aniya, hindi pa naman siya umaabot sa point na may tinanggihan na siya dahil wala namang masamang tinapay sa kanya.

"Ganun pa man, wala pa rin namang pagkakataon na ako ay hindi nila kinonsulta," dagdag ni Boy.

SUPPORT FOR KRIS. Ang isa pang alaga at co-host niya sa Boy & Kris na si Kris Aquino ang sumunod na kinumusta ng PEP kay Boy. Given the condition now of Kris's mom, former president Corazon Aquino who was diagnosed with colon cancer, paano naipapakita ni Boy ang suporta niya kay Kris?

"Well, naapektuhan ang schedule niya. Lahat ng free time niya, kasama niya ang mommy niya. Nagluluto... She's by her side. So doon umiikot ang mundo niya. But of course, kahit saang paraan kung ano ang maitutulong ko, ginagawa ko. Katulad, halimbawa, pinasubukan ko yung tubig na iniinom namin ni Kris, yung may alkaline. Yung mga maliliit na bagay na ganoon, kahit na ano na puwede naming magawa. Kahit ano, kung ano ang maiuutos sa amin, gagawin namin. Si Kris, umiikot ang buhay niya ngayon sa nanay niya," pagtatapos ni Boy.

Source: Philippine Entertainment Portal