Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boy, ayaw tapatan ang ‘Startalk’

Author: Vinia Vivar

WALA pa raw alam si Boy Abunda na gagawing Sabado ang The Buzz at itatapat ito sa Startalk. Wala pa raw kasing sinasabi ang management and if ever, ang mga host naman daw ang unang makakaalam nito.

Pero ayon sa isang source, kung si Kuya Boy ang tatanungin, ayaw sana nitong makatapat ang Startalk dahil as everybody knows, dati rin siyang nag-host sa nasabing talk show bago pa man siya napunta sa The Buzz.

Pero kung talagang ’yun ang desisyon ng management, wala naman daw silang magagawa. As of now, wala pa naman daw ini-inform sa kanila.

Mainit ding pinag-uusapan kung sino ang ipapalit kay Cristy Fermin bilang co-host nina Kuya Boy at Ruffa Gutierrez.

Last Sunday, napanood natin si Ai-Ai de las Alas at pina-plug naman sa programa na next Sunday daw ay may magbabalik.

Maugong na maugong ang pangalan ni Kris Aquino na magbabalik daw sa talk show, pero wala pa ring kumpirmasyon ang mga taga-The Buzz tungkol dito.

Pumapasok din ang pangalan ni Lorna Tolentino at wala rin naman daw problema kay Kuya Boy sakaling si LT nga ang makuha dahil open naman daw siya sa idea na makatrabaho ito.

So far, hindi pa rin kasi sinasabi sa kanila kung sino ba talaga ang makakasama nila.

Marami ang humuhula na si Kris nga ang tinutukoy ng plug, pero may nagsasabi namang malabong tanggapin ito ni Tetay dahil ang rason nga niya noon nang umalis, gusto niyang maging family day ang Sunday at ito pa rin daw ang stand ng TV host-actress.

Naku, abangan na lang natin.

* * *

MALAPIT nang i-release ang coffeetable book ni Jennylyn Mercado na may titulong Reborn.

Tapos na siya sa second set ng pictorial with her baby, Alex Jazz, at ngayon ay nasa huling stages na ang libro para tuluyang matapos.

Ang Reborn ay tungkol sa journey ng pregnancy ni Jen hanggang sa isilang niya ang kanyang first baby na si Alex Jazz.

Malinaw na idedetalye ng libro sa pamamagitan ng mga larawan ang lahat ng mga dinaanan ni Jen, her feelings, emotions, joy and pains mula sa pagbubuntis hanggang sa makapanganak.

“Dito sa book na ito, page after page n’yo malalaman how I went through fears, anxieties, excitement, hirap, saya as well as my spiritual preparation kay AJ (her baby’s nickname),” sabi ni Jen.

Sa libro rin ito makikita ang nude pictorial ni Jen na kinunan noong walong buwang buntis pa lamang siya. Siya ang kauna-unahang Filipina celebrity na gumawa ng ganito.

Inspirational journal, maternity guide and art book all in one raw ang nasabing libro na ilalabas na ngayong Nobyembre.

Samantala, last Sunday ay napanood na si Jen sa SOP bilang hudyat ng pagbabalik niya sa showbiz.

Naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga Kapuso at SOP family.

May inihahanda nang project sa kanya ang GMA-7 kaya abangan na lang daw.

Sa pelikula, comeback movie niya ang One Night Only with Katrina Halili, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion at Diana Zubiri, entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre,

May nagsasabing plano raw ng GMA-7 na ibalik ang loveteam nila ni Mark Herras at okay na okay naman ito kay Jen, lalo pa nga’t friends na silang dalawa ng young actor at magiging magkumpare pa.

Isa si Mark sa mga napipisil ni Jen na maging ninong ng anak niyang si AJ.

Source: People's Tonight