Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Boy, nasaktan sa 'biro' ni Vicki

Author: Leo M. Bukas

HINDI nagustuhan ng kampo ni Boy Abunda ang isang bahagi ng interbyu ni Dra. Vicki Belo sa Showbiz Central nu'ng Linggo ng hapon kung saan sinabi nitong "kung gusto mong maging kamukha nina Piolo (Pascual) at Dingdong (Dantes), pumunta kayo sa Belo at kung gusto mo naman si Boy Abunda, go kayo kay Calayan. "

Biro lang daw 'yon, ani ni Dra. Vicki, pero pakiram-dam ng malalapit na kaibigan ni Boy ay binastos niya ang TV host.

Ayon kay Jobert Sucaldito, nasaktan si Kuya Boy sa tinuran ni Dra. Vicki.

"Bakit ganu'n siya? Wala namang sinasabing masama against her si Kuya Boy. In fact, kapag hinihingi ng The Buzz ang reaksyon niya about Vicki, lagi niyang sinasabi na 'kahit hindi kami nag-uusap, she's a nice girl.

"Direkta niyang iki-numpara si Kuya Boy sa mga modelo niya porke may billboard din si Kuya Boy. Hindi naman 'ata tama 'yon. Dapat 'yung ganda ng services niya ang ipinag-mamalaki niya, hindi 'yung itsura ng mga modelo niya," dagdag pa ni Jobert.

Ayon pa sa showbiz columnist-TV host, magbibi-gay ng pahayag si Kuya Boy para sagutin si Vicki.

Samantala, tinawagan si Jobert ni Dra. Vicki kaha-pon at ayon sa doktora, maaaring mali ang inter-pretasyon ng malalapit kay Kuya Boy kaya nag-react agad sila.

Source: People's Tonight