|
|
| Boy-Kris 'SNN', puro kabalbalang intriga?![]() Author: Alfie Lorenzo BFF ko pareho sina Kris Aquino at Boy Abunda. Pero, sa totoo lang, pababa nang pababa ang interest namin sa kanilang SNN na dati naming tine-tape pa mandin 'pag 'di namin napanood. Pero 'pag pinapanood naman namin nanlalata na kami sa mga walang kakuwenta-kuwentang mga issues ng show. Pawang praise release either ng bagong shows ng ABS-CBN o movie ng Star Cinema. Nu'ng Miyerkules ng gabi naubos ang aking “hoy hoy hoy!” sa kasisigaw dahil ang contents ng buong show ay tungkol sa nirambol na mga balita na matching-matching ng mga artista ng magic kingdom. Pinag-triangle ang lahat eh ang reactions naman ng mga isinasangkot ay pawang “hindi totoo” ang sagot nila. Makagawa lang ba ng isyu? Heto ang mga kabalbalang intriga: Kontra raw sa tambalang Sarah Geronimo at Luis Manzano itong si John Lloyd! Talaga? Nagseselos kay Sarah si Lloydie? Mas gusto raw ni John Lloyd ang tambalan nila ni Luis? Humihingi siya ng isa pa? Nagustuhan ang lips to lips? Sa tambalang Matt Evans at Melissa Ricks ay kontrabida raw si Jolo Revilla? Hindi naman daw, sabi ng manugang ni Rosanna Roces. Uhum, mabigyan lang ng exposure si Jolo kahit pilit kasi may Agimat ng lolo niya siyang gagawin? May Angelica Panganiban-Derek Ramsay-Greta Cojuangco triangle naman daw na ikina-react daw ni Angelica? Natawa lang ang batang syota ni Derek! Ginagaya ba ni Greta ang role ni Karylle sa “Dahil May Isang Ikaw” na obsessed kay Jericho Rosales? Pinag-aagawan daw si Jericho Rosales nina Kristine Hermosa, Heart Evangelista at Karylle? Natawa lang si Karylle sa pagli-link sa kanya kay Echo! Echo! Echo! Echo! Nagbu-boomerang ba? Sina Coco Martin at Maja Salvador daw playing beautiful music na, pero pinasukan ni Erik Santos? Gustong iwasan ni Erik ang sagot sa nagtatanong. Kaya ang sabi ni Boy Abunda eh tatawagan niya si Erik to verify the issue. Uhum, manager ni Erik si Abunda, huh! Pati ni Greta. Praise release? Source: Abante |