|
|
| Boyfriend ang dahilan kung bakit natsugi sa Wowowee ang beauty queen na si Lara QuigamanColumn: Eksenadora HANGGANG ngayon ay may mga nagtatanong pa rin tungkol sa biglaang pagkawala ni Lara Quigaman sa Wo-wowee, at kung may ipapalit daw ba sa beauty queen?. Maging ang mga taga- Bacolod City ay ito ang mainit na itinatanong sa amin. Ayon naman sa aming source, maging si Willie Re-villame ay hindi rin aware kung sino ang ipapalit nila kay Lara. Nagsimula ang isyu tung-kol sa umano'y pagkakatanggal ni Lara sa nasabing noontime show pagkatapos ng Wowowee two weeks ago. Nagsimula sa ilang blind items hanggang sa pinangala-nan na, si Lara nga ang tinanggal na host sa show. Ito ay dahil sa umano'y pagsama niya sa kanyang boyfriend sa show ng Wo-wowee abroad at nu'ng pag-sabihan daw siya tungkol dito ay mas pinili pa ng beauty queen ang kanyang BF. Ganoon! True love ito at tila naka-limutan ng beauty queen na malaki ang oportunidad na kanyang pinakawalan at si-nayang kung sakali. Hay naku! Sa tingin namin ay mas okey na rin na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, RR at Pokwang na lamang ang co-hosts ni Papi. Kaya naman ng girls na ito ang trabaho and they are doing their job really well. Bilib kami sa mga ito dahilan alam nila kung ano ang ibig sabihin ng pagiging pro-pesyunal. Nakapanghihinayang talaga, minsan lang may kumatok na ganitong oportunidad para sa isang baguhang tulad ni Lara, pina-kawalan pa niya. Napag-alaman din namin na itutuloy pa rin ng Wowo-wee ang kanilang show sa Pangasinan kapag maayos na ang panahon. Malaki na raw kasi ang naitulong ng RNG (Regional Network Group) doon at gusto rin daw ng Wowowee na makabawi sa mga ito. Sana talaga ay hindi na muling makaabala pa ang mga kalamidad gaya ng nangyari kamakailan. * * * NATUTUWANG malaman na unti-unti nang nagkakaa-yos sina Gabby Concepcion at ang aming kaibigang si Jobert Sucaldito. Ayon sa aming nabalita-an, magkasama pa raw sina Benjie Felipe (The Buzz Ma-gazine editor) at Jobert nu'ng maganap ang pag-uusap nina Gabby at Jobert sa isang res-tawran recently. Ganito umano ang scena-rio: Naroon na sina Jobert at Benjie nang biglang magka-samang dumating sina Gabby at Mommy Rose Flaminiano. siyempre, dedma raw itong si Mommy Rose kay Jobert. Pero si Gabby, agad na hi-nila umano ni Benjie at pinaupo sa table nila para maka-pag-usap sila kahit sandali lang ni Jobert. Hayun, kahit papaano ay nagkaayos naman daw sa ma-ikli nilang pag-uuusap. Well, hindi kami nagtataka kung bakit nasaktan si Jo-bert sa mga nangyari dahil mahal niya bilang kaibigan itong si Gabby. In fairness kay Gabby, nakatutuwang malaman na may effort din from his end na magkaayos sila ni Jobert. The fact na nakikipag-usap siya sa aming kapatid sa panulat, it's a good start. Lahat naman ay nadadaan sa magandang usapan. Pero,dagdag ng aming source, sina Mommy Rose at Jobert ay hindi pa umano okey. Well, pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, in God's time. * * * ABA, si Sarah Geronimo na pala ang bagong Belo Essentials (sabon, facial wash at lotion) endorser, huh. Recently ay ni-launch si-ya bilang isa sa mga modelo ng nasabing produkto na ang namamahala ay mismong si Cristalle Belo-Henares, anak ng pamosong si Dr. Vicki Belo. Bakit naman hindi? Flawless at mukhang malambot ang skin ni Sarah, bagay ta-laga siyang maging endorser ng Belo Essentials. Busy ngayon ang batang singer sa mga show niya abroad kung kaya't nami-miss na rin daw siya ng mga fans niya na mapanood siya sa telebisyon. Tanong lang namin, ba-kit nga ba walang nali-link kay Sarah? Ito ba ay dahil masyado siyang focus sa trabaho niya o hindi pa rin makalusot ang mga manliligaw dahil balita namin hanggang ngayon ay hinihigpitan pa rin siya ngkanyang mga magulang. May ganoon? Sana ng ay hindi naman ito totoo para ma-enjoy din ni Sarah ang pa-giging bagets niya, 'di ba? Ka-join na rin si Sarah sa grupo ng Belo Essentials en-dorsers na sina Regine Velasquez, Lucy Torres-Gomez at Zsa Zsa Padilla. * * * PINATUNAYAN ng Star Cir-cle Quest finalist na si Roxanne Guinoo ang kanyang hu-say bilang artista sa pinakabagong teleserye sa HAPONSTASTIK ng ABS-CBN, ang Ligaw na Bulaklak, mapapanood na sa May 26 pagkatapos ng Wowowee. Huling nakita si Roxanne sa teleseryeng Palos sa Primetime Bida at ngayon naman ay sasabak siya sa tinuturing na pinaka-challenging role bi-lang isang horse whisperer na si Lea Alegro sa Ligaw na Bu-laklak -- ang babaing may mapait na karanasan noong kanyang kabataan at kinai-langang tuparin ang pangako sa sariling buuin muli ang kanyang pamilya. Hayaan kaya ng tadhana na siya ay maging maligaya? O mananatili na lang siyang Ligaw na Bulaklak? Source: Taliba |