Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bra ni Marian, pinagpiyestahan!

Bra ni Marian, pinagpiyestahan!

Author: Abante

MAY kumakalat daw sa internet on Marian Rivera na pinagpipiyestahan lalo na ng mga kalalakihan? Agad kaming nag-search sa Youtube, pero puro lumang scandals ek-ek lang on Marian ang nakita namin.

May accidental boobs exposure raw kasi si Marian habang nagsasayaw sa guesting nito kailan lang sa SOP. Aksidenteng lumabas daw ang boobs ni Marian at nakita sa suot nitong damit habang nagsasayaw.

Nag-text kami sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo kung aware ba sila na may ganoong isyu kay Marian, at kung ano ang reaction nila. Pero obviously, alam na ni Popoy kung ano ang sinasabing boobs exposure na 'yun.

Ayon kay Popoy, “Naku, dati pa 'yan! At saka, hindi naman boobs ni Marian ang nakita kundi 'yung suot niyang strapless bra.”
So, 'yun naman pala!

Anyway, walang-duda na konting galaw nga lang ni Marian ay subject sa kung anu-anong ispekulasyon at kung anu-anong opinion agad ng iba. Dapat nga lang sigurong mas maging ma­ingat at aware pa si Marian sa lahat ng kilos niya dahil tila target talaga siyang pabagsakin.

Lalo pa at hayan at may bago na naman siyang primetime series, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang with Dingdong Dantes again. Kapag nag-number one muli sa over-all rating ang series nila, siguradong mas marami pang intrigang darating sa kanila!

Source: Abante