Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Braso ni Carla, nagkagalos at pasa

Author: Nitz Miralles

Parang imbitasyon sa children's party ang invite sa presscon ng Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie. Galing kunwari kay Yaya (Michael V) ang invitation sa 7th birthday ng alaga niyang si Angelina (Ogie Alcasid).
Dahil seven years old si Angelina, pang-pitong taong gulang na kakulitan at pagiging bratinela ang mapapanood sa pelikulang co-produced ng GMA Films at APT Entertainment sa direksyon ni Mike Tuviera.

Ibinalita ni Ogie na tapos na ang shooting nila ni Michael ng Spoiled Brat at mamaya sa presscon, malalaman kung sa September 23 o 30 ang showing.

Anong date man ito ipalabas, in-assure ng dalawa na 100 percent pa ring matatawa ang moviegoers lalo na sa Pinoy Henyo segment nilang dalawa at magugustuhan ang maraming special effects.

Iba ang alam naming pangalan ni Yaya sa nakasulat sa press release at ang paliwanag dito ni Michael, the whole name of Yaya is a punchline at abangan n'yo na lang.

Sa parte ni Ogie, ang sarili niya ang peg sa Angelina role dahil bratty talaga siya noong bata pa, pero hindi ang yaya niya ang kanyang binibiktima kundi ang mga kapatid na inis na inis sa kanya.

* * *

May mga galos at pasa ang braso ni Carla Abellana nang makausap namin sa launching ng StarStruck V, kung saan kasama na siya nina Raymond Gutierrez at Dingdong Dantes bilang hosts ng reality-based artista search.

Nakuha niya 'yon sa ginawang stunt sa Rosalinda dahil ayaw niyang magpa-double at mapapanood mamaya kung ano ang kanyang ginawa.

Sa Rosalinda mamaya, babagsak sina Rosalinda sa nakaawing na tela ng pintuan ng gusali, masusugatan, pero ligtas sila ng anak niyang si Erika.

Nalaman ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) na si Valeria (Sheryl Cruz) ang rason sa pagtalon ng asawa sa gusali.

Plano ni Valeria na angkinin si Erika at magpapatulong siya sa mga taga-DSWD.

May ibang naramdaman naman si Alfredo (Ariel Rivera) nang mapanood sa TV ang nangyari kay Rosalinda, may naramdaman siyang kaba para sa asawa ni Fernando Jose.

* * *

Masayang winelcome nina Raymond at Dingdong si Carla as their co-host sa StarStruck V.

Ang alam ng dalawa, sina Dingdong at Carla ang hosts 'pag Sunday, tanggalan day, at si Raymond ang Saturday host.

Mami-miss daw nila si Jolina Magdangal, pero looking forward sila to be working with Carla.

Wala pang masyadong alam na detalye si Raymond sa StarStruck V dahil noong Sunday pa lang ang audition.

Ang alam pa lang, siya ang host sa Saturday, sa October siya magsisimula at bawal na siyang mag-travel habang umeere ang show.

Nakita ni Raymond kung gaano kahaba ang pila ng mga nag-audition last Sunday at nahirapan siyang makapasok sa GMA Annex.

This time, bukod sa pagho-host, hahanap siya ng puwede niyang maging bet for stardom.

Source: People's Tonight