Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bro, Ikaw ang Star ng Pasko!

Author: Abante

BIBIGYANG halaga ng ABS-CBN ang ilaw at kinang ng pag-asang pa­tuloy na nagmumula at lumalabas sa puso ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang panibagong Christmas Station ID na matutunghayan ngayong gabi, pagkatapos ng Pa­rol ni Bro global lighting event na matutunghayan sa “TV Patrol World.”

Matapos magdaan sa napakaraming unos ang bansa, isang mensahe ng pag-asa at pagpupugay sa hindi matatawarang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan ang nais iparating ng inaabang Station ID kasabay ng mensahe ng pagpapasa­lamat sa patuloy na paggabay ni Bro sa bawat isa sa atin.

Nakisali sa Station ID sina ABS CBN President Charo Santos Concio, Dolphy, Judy Ann Santos, at halos lahat ng malalaking artista ng ABS CBN.

Ang Parol ni Bro ay mabibili sa iba't ibang disenyo at laki sa piling SM Kultura at SM Department store outlets. Ang perang malilikom dito ay mapupunta sa pondo ng Ba­yanijuan at Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

Source: Abante