Apr 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Buhay ni Charice pang-telenovela

Buhay ni Charice pang-telenovela

Author: Lolit Solis
Column: Take It Take It

Punumpuno pala ng dra­ma ang buhay ni Charice na hindi na ginagamit ang apelyido ng tatay niya na matagal nang nag-goodbye sa kanila.

Parang hindi ko ma-imagine na sariling lola ng bagets ang nang-aapi sa nanay niya. Mala-kuwento ng tele­­novela ang kanilang life story huh!

Knows na natin ngayon kung bakit kumpleto ang emosyon ni Charice kapag kumakanta ito. May pinaghuhugutan siya ng malulungkot na ka­ranasan nila ng kanyang ina.

Hindi na bago ang kuwento na dumami ang kamag-anak ni Charice mula nang magkaroon ito ng name sa showbiz. Normal na normal ang mga ganyang pangyayari sa entertainment industry. Dumarami ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga singers at artista kapag sumisikat sila with matching paghingi ng tulong!

* * *

Paganda nang paganda ang kuwento at mga eksena ng Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Malapit nang matapos ang Babangon pero may mga nagre-request na i-extend ito dahil bongga nga raw ang kuwento.

Pantay-pantay daw ang role ng mga artista at meron silang mga kani-kaniyang highlight. Hindi raw mahirap sundan ang kuwento, itsurang hindi nila nasubaybayan ang umpisa. At in fairness, pataas nang pataas ang rating ng show huh!

Ewan ko lang kung magkakaroon pa ng extension ang Babangon dahil ready na ang show na hahalili sa timeslot na  mababakante nila.

* * *

Nag-e-emote ang isang fan ni Debraliz Valasote dahil mali ang spelling ng kanyang name sa OBB ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy.    Valasote at hindi raw Valesote ang apelyido ni Debraliz na ilang dekada na rin ang showbiz career.

Na-hurt ang fan para kay Debraliz dahil hindi raw binigyan ng importansya ang spelling ng pangalan ng kanyang idolo. Yun lang!

* * *

Hindi lang ako ang may birthday sa May 20 dahil birthday din ito ni Dr. Hayden Kho na malapit nang mapanood sa Kim Sam Soon, ang TV series na pagbibidahan ni Regine Velasquez.

Hindi ako sure kung itutuloy ni Hayden ang kanyang birthday concert sa May 20 pero isang bagay ang siguradung-sigurado, happy siya sa magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Ramp model si Hayden bago siya naging doktor.

Late bloomer man sa showbiz, nakatapos naman si Hayden ng pag-aaral kaya may fallback siya kapag hindi na niya feel umarte sa harap ng kamera.

* * *

Marami ang bilib sa trailer ng Caregiver. Nangako sila na panonoorin nila ang pelikula ni Sharon Cuneta dahil trailer pa lang, sulit na.

Siyempre naman, si Chito Roño ang direktor ng Caregiver kaya  tiyak na maganda ang pelikula na pinagdusahan nila na i-shoot sa malamig na lugar ng London.

Saludung-saludo nga si Sharon kay Chito dahil sa husay nito. Huwag tayong mag-wonder kung magkaroon ng part 2 ang pagsasama sa pelikula nina Sharon at Chito.

Source: The Philippine Star