|
|
| Bukol ng young actor pinagpistahan sa presscon ng VoltaColumn: Footloose TAKAW-PANSIN ang suot ng costume ni Dino Imperial sa presscon ng Volta ng ABS-CBN na magpi-premiere sa Jan. 26 kaya naman hindi maiwa-sang pagpistahan siya ng mga bading na movie press. Sa ibabang bahagi ng katawan ni Dino naka-tingin ang iba habang iniinterbyu siya. Hindi naman na-conscious ang commercial model-turned-actor. Sige pa rin siya sa pagsagot sa mga ta-nong kahit sinisipat-sipat ang kanyang ibaba. Hindi rin nakaligtas si Dino sa tanong ng ilan kung totoo raw ba 'yung bukol niya o meron lang labakara. "I'm proud of it. Nagpapasalamat ako sa ipinamana sa akin ng father and lolo ko," wika pa niya. Dahil sa sinabi ni Dino, lalo namang nagtilian ang mga bading. Si Dino ay isa sa mga anak ni Ai Ai delas Alas sa Volta. May powers din siya at kaya ring manguryente ng mga kalaban na katulad ni Ai Ai. Kabilang din sa cast si-na Eugene Domingo, Jason Gainza, Jackie Lou Blanco, Chokoleit, DJ Durano, Jessy Mendiola, at ang nagbabalik-showbiz na si Carlos Morales. Si Wenn Deramas ang direktor ng Volta. * * * MAY trabaho na ulit si Heart Evangelista sa ABS-CBN. Bida siya sa Muntik Na Kitang Minahal ng Your Song na napapanood sa ABS-CBN after ASAP 08. Ang Your Song ni Heart ay tatagal ng one month. Makakasama niya rito sina Jason Abalos at Erich Gonzales. Sa Alabang pa namin na-katsikahan si Heart nang dalawin namin siya sa kanyang taping at excited ni-yang ikinuwento sa amin na balik-TV na ulit siya after Hiram na Mukha. Mala -pelikulang Soltera raw ang istorya ng Your Song ni Heart. Bale siya ang gaganap na older woman na ginampanan noon ni Maricel Soriano. Si Jason naman ay si Diether Ocampo at si Erich ay si Claudine Barretto. By the way, ibinalita rin sa amin ni Heart na sa ba-hay ng parents niya siya nag-spend ng Christmas. Two years na raw kasing hindi niya nakakasama ang parents niya because of Jericho, but this year, med-yo okey na raw sila. Nararamdaman ni Heart na unti-unti nang natatanggap ng tatay niya si Jericho. In fact, nakakapagbiro na raw ito ngayon tungkol sa aktor. Regarding the kasalan isyu, wala pa raw ito sa plano nila ngayon. "Hindi pa kami ikakasal this year or next eyar. Matagal pa siguro. .. Open kami sa topic na 'yon, pero hindi pa kami ganun kaseryoso," kuwento pa ni Heart. Birthday ni Heart sa Feb. 14, mismong Valentine's Day at balak niyang magkaroon ng intimate party with her friends. Posible raw na sa bahay ni Jericho niya ito gagawin kasi by that time ay tapos na ito. "I will invite my dad, pero hindi lang ako sure kung darating siya. Malay natin, di ba?" wika pa niya. Ini-reveal din sa amin ni Heart na this year ay gagawa siya ng soap opera. Hindi pa lang malinaw kung sino ang makakasama niya rito. Ilalabas din daw this year ang kanyang album. Source: Taliba |