Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bukol sa ovary ni Lian, palipat-lipat

Bukol sa ovary ni Lian, palipat-lipat

Author: Abante

TAKANG-TAKA si Paolo Contis kung paanong ang cyst ng girlfriend niyang si Lian Paz na unang nakita sa right ovary nito ay nasa kaliwa naman daw. 'Yun daw ang latest finding nu'ng magpa-check-up sila.

“Siyempre, ang weird 'di ba? Bakit biglang lumipat? Kaya sabi ko nga sa kanila, hindi kaya baligtad lang 'yang monitor n'yo?

“Pero 'yun nga. So, we'll seek for another opinion. But the good thing is, lumiliit naman na ang cyst niya. Pero 2 months pa rin bago namin malalaman kung dapat pa ba siyang operahan,” kuwento ni Paolo.

Hindi naman maipagkakaila na very much in-love ang actor sa girlfriend. In fact, hindi itinanggi ni Paolo ang malaking tattoo niya sa likod at sa mas may tagong bahagi ng katawan niya ang pangalan daw ni Lian.

“Ano lang 'yan, henna lang 'yan!” mabilis niyang sabi.

Sey namin, mukhang siya ang inspirasyon ni Dingdong Dantes kaya napapaba­lita ang huli na nagpa-tattoo rin?

“Siyempre! Ha! Ha! Ha! Pero, henna lang naman,” pag-uulit pa rin niya.
For a change, mukhang mabait naman ang magiging role ni Paolo Contis sa S.R.O. presents Suspetsa. Pero, hindi pa rin daw siya sure na walang mababago sa character niya dahil parang alam niya, lahat sila sa cast ay suspect.

“Naninibago na nga ako. Mahirap sa akin ang gagawin ko ngayon kaya, hindi pa ko nagti-taping, nire-ready ko pa ang sarili ko kung paano maging mabait! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi na lang ni Paolo.

Source: Abante