|
|
| Buntis pala kaya lumaki ang boobsAuthor: Dinno Erece THERE is an eerie coincidence sa main stars ng Super Twins. One of the most successful series of 2007 ang Super Twins ng GMA-7 and it stars Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Camille Prats and Patrick Garcia with Tanya Garcia as the first main villain. Ang unang umalis sa serye, si Tanya dahil nagbuntis ito kay Mark Lapid, so, she had to be replaced in the middle of the series. Nang natapos ang Super Twins, nagpahinga na si Camille. It turned out pregnant pala siya and is now waiting for the delivery of her first child. Then, bago matapos ang taon, nanganak si Carlene Aguilar at si Dennis ang ama. Sa pagpasok ng 2008, ang unang pinakamalaking balita ay ang pagbubuntis ni Jennylyn courtesy of Patrick. Si Nadine na lang ang hindi pa parent at may boyfriend siya for two years na. * * * HINDI naman daw tumitingin sa boobs ni Jennylyn Mercado para malaman ni Sunshine Dizon na buntis ang co-star niya. Tawa kami nang tawa sa interview namin kay Sunshine sa presscon ng La Vendetta dahil bukod sa wala siyang alam sa pag-bubuntis ni Jennylyn, wala rin siyang clue rito. May nagkuwento ng isang comment kay Jennylyn na tila lumaki raw ang boobs nito sa press con noon ng Resiklo, ang sagot ni Sunshine, hindi naman siya tumitingin sa suso ni Jennylyn `no? Anyways, happy pa rin si Sunshine for Jennylyn and kay Patrick Garcia dahil a baby is still a blessing. She hopes na maging maa-yos ang pagsasama nila for the baby's sake and bilib si Sunshine kay Jennylyn na makababalik pa ito pagkapanganak niya. Promise ni Sunshine, kakausapin niya si Jennylyn about this 'pag nag-taping sila next week. Magtatapos na ang La Vendetta next week. * * * LAST two weeks na lang ang Boys Nxt Door. Sa presscon pa rin ng La Vendetta, napag-alaman namin sa PM ng Boys Nxt Door na PR din ng La Vendetta na hanggang next week na lang daw ang Sunday teen show ng GMA after SOP, this week and next. Bale tatapusin lang ang full second season ng kaisa-isang teen show ng GMA and then goodbye na with no new show to replace it muna. Sa naibalita sa amin na una na ang L. U. V. Pow ang pamalit, hindi raw totoo, so, we guessed correctly na baka nga hindi na ito ituloy. Ang isang bida kasi sa nasabing show, si Valerie Concepcion, nasa kabilang station na. Sayang ang Boys Nxt Door dahil talung-talo nito ang katapat na show na hindi lang single digit ang ratings, pre-school pa. Pelikula muna ang kapalit ng Boys Nxt Door. * * * ANG QTV naman ang nakakuha ng American Idol. During the yearend party ng GMA-7, formal nang in-announce nina Ogie Alcasid that GMA will te-lecast the second season of the Phi-lippine franchise of American Idol at tata-wagin na itong Pinoy Idol. Tapos, ang QTV naman ang nakakuha ng seventh season ng pinaka-popular show sa buong mundo na magsisimula na this month. Sa American Idol su-mikat ang mga bagong current hit makers na sina Kelly Clarkson, Ruben Studdard, Fantasia Barrino, Carrie Underwood, Taylor Hicks at Jordin Sparks, and so, sa QTV mapapanood kung sino angmga susunod sa yapak nila. American Idol host is Ryan Seacrest and its judges are Randy Jackson, Paula Abdul and Simon Cowell. Sa Pinoy Idol naman, magsisimula na ang audition nito this month. Source: Taliba |