Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Burlesque Queen, naligo ng champagne

Burlesque Queen, naligo ng champagne

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

PARA sa mga du­malo sa 18th anniversary party ng Belo Medi­cal Group, ito na ang party of the year. Venetian ang theme ng party na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel noong Biyernes ng gabi.

Pinaghandaan ng invited guests ang event dahil marami sa kanila ang nakasuot ng Medie­val period costumes. Sa entrance ng Rizal Ballroom,

ang malakas na boses ng town crier ang maririnig dahil isinisigaw niya ang pangalan ng mga dumarating na bisita.

Iba't ibang klase ng well-made hand-crafted masks ang ipinamimigay sa mga guest habang nasa paligid ang mga juggler, stilt walkers at harlequin-clad acrobats.

Pagpasok sa malawak na ballroom, ang mga model na nag-pose bilang Greek Gods ang sumalubong sa mga bisita. Naroroon din ang mga ballet dancer, opera singers at isang harpist.

In character sina Anne Curtis at Dingdong Dantes na kapwa endorser ng Belo Medical Group. Si Anne si Venus, ang Goddess of Beauty at si Dingdong si Adonis.

Ang New York-based Broadway production designer at sceno­grapher na si Toto Sicangco ang nag-design ng opu­lent stage na perfect backdrop sa Venetian inspired party.

Kasingtaas ng isang Christmas tree ang 6-ft. tall, 18-tiered fondant cake na agaw-pansin.
***

Sina Edu Manzano, Iza Calzado at Christian Bautista ang mga host ng programa. Kumanta rin sina Christian, Ronnie Liang, Billy Crawford, Sarah Geronimo, Lani Misa­lucha at Regine Velasquez.

Highlight ng 18th anni­versary party ang for­mal launch sa Ike and Nena Belo Foundation, ang non-profit corporate charity na advocacies ang edukasyon, surgical assistance at environment protection.

Itinatag ni Dra. Vicki Belo ang Ike and Nena Belo Foundation bilang pagdakila sa mga magu­lang niya na maagang iti­nuro sa kanya ang kaha­lagahan ng charitable giving.

Napaluha si Dra. Belo nang pasalamatan nito ang kanyang mga magulang.
“The foundation carries the legacy of my parents and it is Belo's way of giving back after 18 years of being in the business,” ani Dra. Belo.

“We want to be part of shaping people's lives by fulfilling their goals and giving them a sense of value and satisfaction.”
***

Ang burlesque act ng kinikilalang Burlesque Queen na si Dita Von Teese ang pangala­wang highlight ng malaking event ng Belo Medical Group.

Dalawang beses na sumayaw si Dita, sa umpisa at katapusan ng programa. Bago lumabas ng stage si Dita, nakiusap sina Iza at Edu na bawal kunan ng litrato ang performance ng sikat na American burlesque dancer.

Pero likas sa mga Pilipino ang pagiging pasaway kaya may mga nag-attempt na kunan ng litrato si Dita sa pamamagitan ng kanilang mga cellphone camera.

Sa pangalawang pag­labas ni Dita sa stage, si Dra. Belo na ang nakiusap sa mga tao na huwag kunan ng litrato ang burlesque dancer. Nag-alala siya na baka hindi na mag-perform si Dita dahil nakalagay sa contract agreement nila “no picture-taking allowed” during the performance.

Maganda ang mukha ni Dita at perfect ang hugis ng kanyang katawan. Kung napanood ninyo noon ang costume ni Alma Moreno sa Carnival Queen, halos ganoon din ang mga costume na ginamit ni Dita.

Ang paliligo ng cham­pagne sa loob ng isang giant champagne glass ang climax ng performance ng kinikilalang Burlesque Queen.
***
Dumating sa bansa si Dita noong nakaraang Miyerkules. Hindi siya pumayag na magkaroon ng press coverage ang kanyang airport arrival at tumanggi siya na bigyan ng presscon ng Belo Medical Group.

Bumisita si Dita sa Belo Medical Clinic para sa hydrofacial massage at pinuntahan niya ang Intramuros, kasama ang isang tour guide na nagpaliwanag sa kanya tungkol sa history ng ating bansa.
***

Well-attended ng mga pulitiko, socialites at showbiz personalities ang Venetian Ball ng Belo Medical Group.

Sina Yasmien Kurdi, ang GMA 7 SVP for Enter­tainment Wilma Galvante, Tim Yap at JR Isaac ang winners ng best in costume.

Sina Phillip Salvador, Christopher de Leon, Pio­lo Pascual, Angel Locsin, Lani Mercado, Toni Rose Gayda, Eula Valdez, Ogie Alcasid, Valerie Concepcion, Raymond Gutierrez at Lorna Tolentino ang ilan sa mga showbiz personality na dumalo sa anniversary party.

Hindi nagtagal si Lorna dahil umalis din kaagad ito pagkatapos bumati kina Dra. Belo at Rubby Coyuito ng Flawless.

Source: Abante