Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

CRISTINE AT MARIAN, MAGLALABAN SA PASEKSIHAN!

CRISTINE AT MARIAN, MAGLALABAN SA PASEKSIHAN!

Author: Ruel Mendoza

NAKARATING na kay Cristine Reyes na makakatapat ng kanyang primetime soap drama na Eva Fonda ang inaabangan na primetime soap drama nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Hindi naman daw magkukuwari si Cristine na hindi siya kinakabahan sa pagtatapat na ito. Alam daw niya kung gaano kalakas ang tambalan nina Marian at Dingdong kaya paghahanda na lang daw ang gagawin nila.

“May kaba siyempre, kasi alam naman natin na malakas ang dalawa.

Nakatrabaho ko silang dalawa sa Marimar noon. Alam ko na may malakas silang following.

“Siguro ito na nga ang matatawag na competition. Ngayon ko lang nararamdaman. 'Yung naging katapat kasi ng Eva Fonda, iba ang tema nila kesa sa amin. Kaya we have different viewers. Eh itong new soap nina Marian at Dingdong, drama at may konting sexy raw. Kaya magandang katapat nga sa show namin.

“Pero ako naman I welcome competition, eh. Ganyan talaga sa trabaho namin, 'di ba?” sabi ni Cristine.

Mas sexy nga raw si Marian sa bagong soap drama nito kaya magiging malaking kumpetisyon talaga ito for Cristine.

“Wine-welcome ko naman 'yan. Si Marian naman, nakatrabaho ko na 'yan before sa Super Twins at Marimar. Malakas talaga ang appeal niya.

Ngayon ay magse-sexy pa siya, bago iyon.

“Pero siyempre, hindi ako dapat panghinaan ng loob kasi may market naman na kami sa Eva Fonda. Huwag lang sana silang mawala kasi marami pang exciting na mga mangyayari sa soap drama namin,” sabi na lang ni Cristine.

Source: Abante