Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

CRISTINE, AYAW KAY JERICHO!

CRISTINE, AYAW KAY JERICHO!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Ipinagtanggol ni Cristine Reyes ang ex-boyfriend na si Dennis Trillo, tungkol sa hindi nito pagtulong sa kanya nu'ng panahong nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya, dahil sa bagyong si Ondoy.

Sabi ni Cristine, hindi na siya humingi ng tulong kay Dennis, dahil umaga pa lang nu'ng nananalanta si Ondoy ay ang leading man niya sa Patient X na si Richard Gutierrez na ang kausap niya.

“Pero, marami rin akong hiningian ng tulong. At lahat naman sila gustong tumulong, pero masyado nga lang delikado.

“Si Dennis, after nu'ng nangyari, kinaumagahan nag-text naman siya sa akin. Nagpakita naman siya ng malasakit sa akin,” kuwento ni Cristine.

Gulat na gulat naman si Cristine sa tsismis sa kanila ni Jericho Rosales.

Kuwento ni Cristine, nagkita lang daw sila ni Jericho sa isang lugar, at hindi raw date na matatawag ang pagkikita nilang `yon, dahil napadaan lang daw talaga sa lugar na `yon si Jericho.

Sabi pa ni Cristine, kasama niya ang mga kaibigan niya nu'ng mga oras na `yon.

Sa totoo lang, hindi kumportable si Cristine na pag-usapan si Jericho.

Halata ang pag-iwas ni Cristine na ma-link kay Jericho.

Sabi nga ni Cristine, bakit daw kailangang ma-link siya kay Jericho, samantalang wala naman daw tala­gang isyu sa kanilang dalawa.

Anyway, nakalipat na rin ng bahay si Cristine, malapit sa bahay ng ate niyang si Ara Mina. Duplex daw `yon, na ang isang unit ay para sa kanyang ina at mga kapatid.

Ayaw na raw niyang isipin pa kung magkano ang kabuuang halaga ng mga gamit at ari-ariang nasira sa pag­lubog ng bahay nila sa Provident Village sa Marikina.

Kapag naalala raw niya ang pangyayari ay sumasama lang ang loob niya. Maliban daw sa mga alahas at ilang gamit, wala na raw natira pa sa mga naipundar niya at ng pamilya niya.
***

Kung mabibigyan lang ng chance ay malaki ang pag-asa ng banda na Kaos na sumikat. Sa bago nilang album na Outta Track, na kung saan ay carrier si­ngle nila ang Outta Track, kapansin-pansin na pinaghalong Francis M at Bamboo ang tunog ng mga musika nila.

Sa launching nila sa Top Gear Music bar and Resto, bumilib talaga kami sa tunog ng kanilang music, na pinaghalo ring pop music na may melodic rock at punk.

Anyway, hindi naman kataka-takang parang fo­reign ang tunog ng album nila, dahil si Peter Heckmann na isang foreigner ang producer ng album, at si Ana Macy na nakatira na rin sa ibang bansa ang executive producer nito.
Ang mga miyembro ng Kaos Band ay sina Francis Marion 'Kiko' Linsangan, Mark John 'Dee' Ona, Randy 'Agi' Bautista, Arik 'Kronik' Gonzales, at Rolando Bernaldez.

Sina Kiko, Dee at Agi ang siyang sumulat at lumikha ng mga awitin sa album, katulong sina Heckmann at Arrianne Ordonez sa arrangements.
Bagama't dito sa Pinas ni-record ang kanta, sa Bali Indonesia ginawa ang engineering at mixing ng buong album.

Source: Abante