Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Calayan, suportado si Boy vs Belo

Author: Leo M. Bukas

MAY hinala ang isang malapit kay Jake Cuenca kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa kanyang sasakyan habang naka-park sa kanyang tirahan sa Boni Avenue, Mandaluyong.

Pero ayaw muna nitong magbigay ng detalye, dahil natatakot siya para sa kaligtasan ng aktor.

Ayon naman kay Jake, wala siyang natatandaang nakaaway o nakasamaan ng loob para pagtangkaan ang kanyang buhay.

"Wala talaga akong matandaan. Pero kung sino man ang gumawa no'n, isang malaking katangahan ang kanyang ginawa," wika pa ng isa sa mga bida sa Tayong Dalawa.

Dahil sa nangyari, kumuha na ng bodyguards si Jake para sa kanya at sa kanyang pamilya.

* * *

GAYA ng sinulat ni katotong Vinia Vivar, nag-sorry na kahapon si Dra. Vicki Belo kay Boy Abunda. Nakatanggap naman kami kahapon ng official na statement mula sa mag-asawang Manny at Pie Calayan tungkol sa isyu:

"We are behind Boy Abunda 101 percent. We understand his feelings and reactions to the ridiculing and insulting remarks he sustained from Dra. Belo.

"Promoting one's business or services by stepping on someone was uncalled for.

"Besides, Dingdong (Dantes) used to be our endorser and part of what he has become came from our services and so did other of her big named endorsers — Claudine Barretto, Ruffa Gutierrez, Katrina Halili.

"There's a simple reason for our 'To C is to Believe' campaign and that's more about inner beauty of other people and we believe in their goodness.

"We accept whoever you are, we make you look good and make you feel good.

"That's the Calayan experience and that's 'To C is to believe!'"

Source: People's Tonight