Apr 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Camille Prats glad to be back on ABS-CBN but remains loyal Kapuso

"Sinasabi nga ni Mr. M na nung time na nagpaalam ako to be a part of GMA, 'O sige, hihiramin ka lang naman nila for a couple of years. Pero I'm sure, ibabalik ka rin nila dito.' So, ang sarap lang ng feeling na open ka sa dalawang networks, kasi nga wala

Author: Glen P. Sibonga

Happy si Camille Prats na muli siyang nakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN sa kanyang paggawa ng pelikula under Star Cinema, ang T2, na pinagbibidahan ni Maricel Soriano and directed by Chito Roño. Pero hindi raw ito nangangahulugan na babalik na siya sa Kapamilya network. Nagpaalam daw siya nang maayos sa GMA-7 para sa movie na ito at nananatili siyang Kapuso sa telebisyon.

"As of now, I'm still with GMA pa rin naman, e. May contract pa rin ako sa kanila. Sobrang mabait naman sa akin sina Miss Wilma [Galvante, GMA SVP for Entertainment]. Tapos nung in-offer sa akin yung movie, sinabi ko naman sa kanila na ayoko namang itapon yung opportunity na binigay sa akin to be a part of T2. And they understand, kasi Star Cinema naman po, it's entirely different naman with GMA sa TV. Kasi hindi naman po ako gumagawa sa GMA Films. So, hindi naman nila ipinagkakait sa akin yung mga ganung bagay," paglilinaw ni Camille nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang feeling na nakatuntong ka ulit sa ABS-CBN?

"Masarap. Alam n'yo, every time I would visit ABS, nag-e-enjoy ako kasi lahat ng taong makakasalubong ko, kilala ako. Mapa-janitor, mapa-security guard, cameraman, crew, utility... Lahat sila kilala ko. And it's just so nice to see familiar faces again," sabi ni Camille, na nagsimula sa Kapamilya network as a child star.

STILL A KAPUSO. Ayon kay Camille, two to three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7. Pero more than the contract, mas pinapahalagahan daw ni Camille ang suportang ibinibigay sa kanya ng GMA.

"Kasi when I left, when I got pregnant, they were really supportive. Tapos talagang sinabi nila sa akin na if I go back after I give birth, nandiyan pa rin sila para sa akin. So, ako may kontrata man o wala, my loyalty really stays with them."

Pero kung sakaling matapos na ang kontrata mo at mag-offer ang ABS-CBN na kunin ka ulit, babalik ka pa ba as Kapamilya?

"Ako po kasi, siguro isang importanteng nangyari rin, when I left ABS, maayos po yung naging paghihiwalay namin, like si Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic], sila Tita Malou [Santos of Star Cinema]. Kaya happy din po ako na pag may ganyang pelikula sila, naiisip pa rin nila ako.

"Kumbaga, sinasabi nga ni Mr. M na nung time na nagpaalam ako to be a part of GMA, 'O sige, hihiramin ka lang naman nila for a couple of years. Pero I'm sure, ibabalik ka rin nila dito.' So, ang sarap lang ng feeling na open ka sa dalawang networks, kasi nga wala silang sama ng loob sa iyo."

May gagawin ba siyang bagong project sa GMA-7?

"They told me to be prepared, kasi there's one coming up," sabi ni Camille, na huling napanood sa Sine Novela na Gaano Kadalas Ang Minsan?.


ON T2 AND DIREK CHITO. Ang T2 ay ang pagbabalik-pelikula ni Camille sa Star Cinema. Ang huling pelikulang ginawa niya para sa naturang film company ay ang Dreamboy (2005) na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Bea Alonzo.

Nagpapasalamat talaga si Camille sa Star Cinema dahil sa dinami-dami ng artista ng ABS-CBN ay siya pa rin ang kinuha para gumanap ng isang mahalagang role sa T2.

"Yun nga po, e. Actually, ang sinabi nila sa akin na, it was Direk Chito who suggested na ako yung kunin nga dun sa movie. Si Direk kasi yung talagang pumipili sa artista niya. And I worked with him before in Yamashita's Treasure [2001] with Regal Films. So, siyempre ang sarap naman ng feeling na kahit paano naaalala ka pa rin."

Paano niya ikukumpara yung working with Direk Chito before sa ngayon?

"Siyempre noong kabataan pa ni Direk, mas go-go-go siya. Ngayon kasi mas relax na siya. Mabagal ang ano namin...pero mas intense. You always have to be professional when you're working with him. You always have to be on your toes. At saka dapat talagang pinakikinggan mo lahat ng instructions niya kasi pag hindi mo nakuha, sasabihin niya talaga sa iyo. At hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha iyon sa iyo. And that's one thing I really like about him. Kaya ang sarap niyang katrabaho kasi hindi aalis ang isang artista sa set niya na walang natututunan."

Tungkol sa mga engkanto ang T2. Isa ba siya sa mga engkanto dito?

"Hindi ako engkanto dito. I'm a human being working for them. So, kakampi ako ng mga engkanto dito. I live in the Tenement 2 kung saan sila pumunta. Kasama ko rito si K Brosas."

ON Maricel Soriano. First time niyang makatrabaho si Maricel Soriano. How is it working with the Diamond Star?

"Noong una medyo kinabahan ako," pag-amin ni Camille. "Kasi lahat tayo alam naman natin na si Inay [Maricel], sikat siya sa pagiging mataas ang kilay niya, sa pagiging mataray. But when I got to know her, sobrang bait. Parang isang nanay, alam mo yung kinukumusta niya ako about sa anak ko. Tapos binibilinan niya ako na lagi ko raw lalagyan ng manzanilla ang tiyan para hindi kabagin, at alcamporado, dapat daw magkakambal yung dalawang 'yon. Hindi raw puwedeng hiwalay 'yon. So, ang sarap ng pakiramdam na siyempre she is someone that I really look up to dahil sa lahat ng achievements niya."

Ano ang feeling na dati siya ang bida, pero ngayon ay support na lang siya?

Source: Philippine Entertainment Portal