|
|
| Camille, fashionistang buntisAuthor: People's Tonight SA Amerika magpaPasko ang pamilya Prats, kaya gustuhin man niya'y hindi makadadalo si John Prats sa Parade of Stars ng Metro Manila filmfest sa Dec. 24. Kasama si John sa Christmas Tree episode ng Shake, Rattle and Roll 9 ng Regal Entertainment at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama siya sa naturang horror film franchise ni Mother Lily Monteverde. Nanghihinayang man, super excited naman si John sa nalalapit na panganganak ng nakababatang kapatid na si Camille sa January 2008. Tsika niya sa launching ng sariling scent, Motion from Scent Station, nu'ng isang gabi, constant ang communication nila ni Camille. Updated siya sa happenings ng kapatid, pati na sa pagiging fashionistang buntis nito. Ayon sa young actor, enjoy na enjoy si Camille sa malamig na weather sa Tate, kaya naman kung pumorma at mag-shopping ay ganu'n na lamang. Bukod sa parents nila, doon na rin daw nag-i-stay ang "asawa" ng aktres. Ngayon pa lang, may inuungot nang regalo si Camille sa kanya para sa baby. Ipinakita pa raw ito sa kanya via the webcam. Isa itong stroller/car seat na nagkakahalaga ng $400. Nu'ng una'y gusto sanang umapela ni John sa presyo, pero napag-isip-isip na what's $400 kung para sa pinakamamahal namang pamangkin? Ang tanging regret daw niya'y hindi makapaghihintay ng panganganak ni Camille dahil pagkatapos ng Pasko'y babalik na ng 'Pinas para sa mga commitment dito. * * * NAGKAISA ang showbiz press na dumalo sa launch ni Ruffa Gutierrez bilang bagong Avon Fashions Jewelry and Accessories ambassadress sa obserbasyong mistula itong diyosa ng kagandahan sa suot na maroon gown. Pati ang ayos ng buhok ni Ruffa ay bumagay sa damit at Avon accessories na gawa sa iba't ibang gem stones. Sey nga ng isang kolumnista, sa tindig at ganda ng unica hija ni Annabelle Rama'y magmumukhang tagabitbit ng tsinelas niya ang Hollywood counterpart na si Reese Witherspoon. Anyway, matagal na raw gumagamit ng Avon products si Ruffa, kahit nu'ng nasa Amerika pa sila. Ito rin daw ang makikitang gamit niyang sapatos, bag, belt, wallet at eyewear sa Desperadas, isa pang Regal entry sa nalalapit na MMFF. Malaki ang pasasalamat ni Ruffa sa nasabing produkto, dahil kahit paano'y karagdagang blessing daw ito. Sa ngayon, aminado ang estranged wife ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na kailangan niyang kumayod para sa mga anak na sina Lorin at Venice. Mas mabuti na raw itong kaya niyang suportahan ang mga bagets even without Yilmaz's financial help. At nang tanungin kung alin sa Avon Fashions products ang paborito niya, sagot ni Ruffa, ang genuine gem collections. Bakit? Kasi raw, it wards off negativity and DANGER. Need we say more? * * * MISMONG si Star City president Santi Elizalde ang nag-asikaso sa showbiz press na bumisita para tingnan ang pinakabagong atraksyon ng nangungunang theme park sa bansa, ang Star Flyer. Hitsurang umuulan nu'ng Martes dahil sa nag-duet na bagyong Lando at Mina, nagpabasa talaga si Mr. Elizalde para lang masiguro na smooth ang operation nito. Ang Binibining Pasay candidates ang pormal na sumampol sa Star Flyer, ang kauna-unahang inverted roller coaster ride sa 'Pinas na ginastusan ng SC ng mahigit P100 million. Ang higanteng thrill ride ay unang itinayo sa Scotland early this year. Meron itong 350 meter track at nakalululang turns at loops. Seventy seconds lang ang running time ng bawat sakay, napakabilis, kaya't tamang-tama ito sa mahihilig sa kakaibang adventure at thrill ngayong Kapaskuhan. Ayon sa pamunuan ng SC, nakasisiguro silang safe ang Star Flyer, na in-inspection pa ng mga dayuhang eksperto bago ipasa sa Pinoy counterparts. Katunayan, sa pagbubukas ng bagong ride ngayong Disyembre, ang foreign engineers muna ang mag-u-operate nito assisted by SC's in-house team of engineers. Source: People's Tonight |