|
|
| Camille gusto nang manganak![]() Column: Sanga-sangandila Kung may tuwang-tuwa sa pagbubuntis ni Camille Prats, ito ay walang iba kundi ang kapatid niyang si John. Ang isisilang kasi ng kapatid ang magiging kauna-unahang pamangkin sa pamilya nila. “Maski nga si Camille ay sobrang excited kaya kahit seven months pa lamang siya ay gustung-gusto na niyang manganak. Lalo't nalaman nila ng ama ng kanyang magiging baby na lalaki ang magiging panganay nila,” imporma ni John. Ang buong pamilya ni John ay sa US magpa-Pasko para may makasama si Camille. “Sila mommy maiiwan pa hanggang sa New Year pero, ako kailangang umuwi na dahil may mga commitments pa ako rito,” dagdag pa ng batang aktor who will also be having a happier Christmas dahil kay Shaina Magdayao. “Hindi pa naman kami but, I feel na mag-MU na kami,” pagmamalaki niya. “Never ko naman plinanong ligawan siya. It just happened. All of a sudden basta naramdaman ko na lang na gusto ko siya. Sana gusto niya rin ako,” dagdag pa rin ni John na madalas nali-link sa mga babaeng mas matanda kaysa sa kanya. Una si Keanna Reeves, naging friend niya sa Bahay Ni Kuya. At si Aiai delas Alas na parang mommy niya kung ituring niya. “Natatawa nga si Aiai nang matsismis kami sa motel. Sabi nga niya, di magkakasya sa parking ng motel yung Suburban niya (sasakyan ni Aiai),” naalala ni John. “Gusto ko talagang kaibigan yung mas may edad sa akin. I learn a lot from them,” sabi niya. May movie si John sa Regal, ang Shake Rattle & Roll 9. Kasama siya sa Christmas Tree episode with Boots Anson Roa, John Lapus, Nash Aguas, Gina Alajar, Tonton Gutierrez, Sophia Baars at Lovi Poe. Direktor si Paul Daza. The other two episodes are Bangungot at Engkanto na idinidirek nina Michael Tuviera at Toppel Lee. * * * Maaring bago sa pandinig natin ang pangalan ng direktor na si Noel Naval, direktor ng Princess Sarah na nagtatampok kay Sharlene San Pedro pero, siya rin ang direktor ng Krystala at May Minamahal. Mamaniin na lamang niya ang Princess Sarah dahil pareho niyang napanood ang cartoon version nito at ang pelikula. “May mga binago lamang kami. Gaya ng paglalagay ng elementong gugustuhin din ng mga lalaki. Ang original story kasi ay talagang ginawa para sa mga babae. “Dinagdagan ko rin ng mga male characters na gagampanan tulad nina Carlos Agassi at Diether Ocampo at nilagyan ng fantasy, adventure at mga nakakatakot na bahagi at maging ng sex na mapapanood sa mundo ng mga pirata. “We auditioned all the kids na kasali sa series, I personally chose Sharlene dahil she has the innocence of Princess Sarah.” * * * Maswerte talaga sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, tanggap ang kanilang loveteam kahit may partners sila in real life. Meron silang bagong movie na mas mature sa mga naunang ginawa nila, ang One More Chance, istorya ng dalawang tao going their separate ways. Kung dati pa-tweetums sila, hindi na ngayon dahil as Popoy and Bashe, mga totoong isyu ang pinagdaraanan nila, may mga bagong hamon silang kinakaharap at mga gagawing bagong desisyon. Lahat makaka-relate sa characters nila na umibig at nawalan ng minamahal dahil sa buhay nating lahat, naging katulad din nila tayo. * * * veronicasamio@yahoo.com. Source: Pilipino Star Ngayon |