Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Candy pakakasalan sa simbahan ng director BF

Author: Vinia Vivar

Kinumpirma ni Angel Locsin na dadalo siya sa 37th International Emmy Awards sa New York kung saan ay nominado siya bilang best actress para sa pagganap sa Lobo.

Kasamang aalis ni Angel ang manager niyang si Becky Aguila sa Nobyembre at ngayon pa lang, excited na ang young actress.

"Siyempre po, kailangang i-represent natin ang ating bansa. Nakakatuwa nga itong team ko (staff na kasama niya sa pagbibigay ng relief at pag-aasikaso sa Shop and Share), kasi sila 'yung nag-iisip para sa akin dahil masyado nga akong engrossed dito sa, well, kung ano ang nangyayari ngayon, kasi ayoko namang mag-celebrate na ang mga tao, eh, nahihirapan, ganyan.

"So, sila 'yung nag-iisip kung ano ang isusuot kong damit, ganyan, nakakatuwa talaga," she said.

Hanggang ngayon, ani Angel, para pa rin siyang nakalutang dahil sa pagkaka-nominate niya.

"Nakakagulat. Hanggang ngayon, hindi pa ako maka-recover sa gulat na 'yon. 'Yung mahanay ka lang du'n, kasi ang gagaling din ng ibang mga na-nominate, tapos, pinapanood ko 'yung ibang films nila, parang. .. 'wow, thank you, Lord. '

"And siyempre, na-proud din ako, kasi pinaghirapan talaga namin 'yung Lobo. Hindi lang ito para sa akin, sa team namin sa Lobo, sa ating mga Pilipino rin, mga Asyano, 'di ba? Kasi tayo lang ang Asian na nakapasok, eh," say niya.

Tinanong namin si Angel kung binati ba siya ng ex-boyfriend na si Luis Manzano at say niya, nag-text naman daw ito sa kanya at nag-congratulate.

Samantala, nakausap din namin ang manager ni Angel at aniya, malapit nang mapanood muli ang young actress sa telebisyon dahil may gagawin siyang teleserye na malapit nang umpisahan.

* * *

Speaking of Angel's manager, nai-text niya sa amin kahapon na nahuli na ang dati niyang PA na si Rowena "Mel" Pulmano kaugnay ng kasong isinampa ni Jennylyn Mercado laban dito.

Matatandaang may warrant of arrest si Mel dahil sumampa ang kaso sa Regional Trial Court with no bail recommended. Nakakulong na raw ito ngayon.

Hindi pa namin nakukunan ng reaksyon si Jen tungkol dito, pero ayon kay Tita Becky, nagpapasalamat sila sa search operatives na nakahanap kay Mel.

Matatandaang sinampahan ni Jen ang dating PA ng dalawang kaso noong October, 2008 - qualified theft through falsification of documents at falsification.

Sumampa ang qualified theft through falsification of documents habang ang kasong falsification ay ibinasura ng korte.

* * *

Sa lahat ng na-link na artista sa guwapo at batang direktor na si GB Sampedro, tanging si Candy Pangilinan lang ang kanyang inamin.

Ang katuwiran niya nang makausap namin sa presscon ng bago niyang idinireheng Western Union tv commercial ni Rhap Salazar, ito ay dahil 'yung mga dating na-link sa kanya, hindi talaga totoo.

"Hindi ko inamin kasi walang dapat aminin," say niya. "Itong kay Candy, inaamin ko, kasi totoo naman. "

Masaya raw siya sa relasyon kay Candy. Mabait daw ang komedyana, maalaga, malambing at okay karelasyon at kaibigan.

Parehong may first marriage sina Candy at Direk GB, pero sa ngayon, annulled na ang kani-kanilang civil wedding at hinihintay na lang ang church annulment.

Kung tutuusin, pareho na raw silang free at puwede na ulit pakasal.

Pero say ni Direk, alam niyang every girl's dream ang makasal sa church kaya kung magpapakasal sila ni Candy, gusto niya ay sa simbahan.

Samantala, hindi na mabilang ni Direk kung pang-ilang commercial na niya ang Galing ng Pinoy ng Western Union.

Practically, almost every month daw kasi, may bago siyang TVC at ito ang masasabing bread and butter niya.

Ang Galing ng Pinoy commercial/MTV na performed by Rhap ay isang pagsaludo sa ating overseas Pinoy workers. Tungkol ito sa pamilya at mga pangarap.

Matatandaang si Rhap ay junior grand champion sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA).

Source: People's Tonight