Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Career ni Katrina may nangyaring mas maganda

Career ni Katrina may nangyaring mas maganda

Author: Aster Amoyo
Column: Rated A

Out of thousands na nag-audition nationwide sa  Pinoy Idol, sinala sa mga ito ang Top 24 na siyang maglalaban-laban sa titulo.  

Sa 24 na contestants, may kani-kanyang bet ang mga entertainment writers pero ang tunay na maghuhusga ay ang tatlong official judges ng Pinoy Idol na sina Wyngard Tracy, Jolina Magdangal at Ogie Alcasid kasama ang mga manonood sa pama­ma­gitan ng kanilang mga text votes.

Hindi pa man sumasalang sa tunay na labanan ang Pinoy Idol Top 24, sumailalim na sila ng iba't ibang train­ing workshops, voice and dance lessons at total re-packaging kaya ibang-iba na ang kanilang  hitsura at dating nang sila'y humarap sa entertainment media kamakalawa ng gabi.

Samantala, simula ngayong linggo, Mayo 25 pagkatapos ng SOP, at simula sa Lunes hanggang Huwebes ay mapapanood ang Pinoy Idol Extra">Pinoy Idol Extra na magkatulong na ihu-host nina Rhian Ramos at Karylle. Dito makikita ang iba't ibang totoong drama na pinagdaan ng 24 hopefuls.

Ang official host ay si Raymond Gutierrez.

* * *

Naging effective na contravida si Katrina Halili ni Marian Rivera sa highest-rating teleserye na  MariMar.   Pero kung effective na kontrabida si Katrina, binigyan din siya ng chance ng GMA na magbida sa Magdusa Ka na tinampukan noon sa pelikula nina Dina Bonnevie, Christopher de Leon, Dindo Fernando at Nida Blanca mula sa direksiyon ng award-winning actor-director na si Eddie Garcia.

Kabituin ni  Katrina sina Dennis Trillo at Iwa Moto mula naman sa pamamahala ni Maryo J. delos Reyes.

Ang buong akala ni Katrina ay tuluyan na siyang malilinya sa mga kontrabida roles pero may mas maganda palang plano sa kanya ang kanyang home studio. Although aminado siya na may mga pagka­kataon na nakakalimutan niya na hindi kontrabida ang papel na kanyang ginagampanan sa bago niyang serye.

Si Katrina ay kumalas na sa pangangalaga ng GMA Artist Center.

* * *

Isang grand launch ang ibinigay  ng United Shelter Health Products, distributor sa buong Pilipinas ng Lucida-DS Glutathione sa balikbayang actor na si Gabby Concepcion na ginanap sa Palawan function room ng EDSA Shangri-La Hotel.   Ito bale ang kauna-unahang product endorsement ng ama ni KC Con­cep­cion magmula nang ito'y bumalik ng Pilipinas pagkaraan ng 13 taong pamamalagi sa Amerika.  

Dahil hindi natuloy si Gabby sa pagiging endorser ng kalaban ng Lucida DS na produkto, naging blessing in-disguise ito para kay Richard Gutierrez dahil sa kanya napunta ang endorsement.

Kapag naging matagumpay ang product endorsement ni Gabby sa Lucida-DS Glutathione, tiyak na masusundan pa ito ng ibang endorsements.  

Masayang-masaya si Gabby sa kanyang muling pagbabalik dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng publiko.   May sisimulan siyang TV series sa ABS-CBN na pagsasamahan nila nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Susan Roces, ang  Iisa Pa Lamang na malapit nang matunghayan.  

May gagawin siyang pelikula sa ilalim ng Star Cinema at GMA Films at nagbalik-acting naman siya sa  Maalaala Mo Kaya, his first acting job in 13 years.

Kung masaya si Gabby sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon, masaya rin siya para sa kanyang panganay na si KC dahil sa magandang takbo ng career nito.

Samantala, narito na rin sa Pilipinas ang mag-ina ni Gabby.

* * *

Kung nakarating na ng Japan sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Angel Locsin, Richard Gutierrez at Jewel Mische, chance naman ni Yasmien Kurdi na magpasaya sa ating mga kababayan sa Japan particularly sa Tokyo at sa mga karatig lugar nito dahil darayo siya roon kasama ang top singer-comedian-host na si Allan K. para sa pagdiriwang ng Migrant Workers' Day at 110th Philippine Independence Day na gaganapin sa Oji Asukayama Park sa Tokyo sa darating na Hunyo 15 (linggo) mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.  

Ang joint celebration ng Migrant Workers' Day at 110th Philippine Independence Day ay inorganisa ng Labor Department ng Philippine Embassy - Tokyo na pinangungunahan ni Labor Attache Danilo Cruz.   Isa ang Access TV, ang broadcast carrier ng GMA Pinoy TV at GMA Life TV sa Japan sa mga major sponsors ng event.

* * *

Aminado ako na kahit balik-balik ako ng Japan, hindi pa rin ako marunong sumakay ng tren na nag-iisa dahil kumplikado sa akin kung saan ako papasok at lalabas lalupa't iba't iba ang linya ng tren at marami ang entrance at exit points kaya nakakalito.   Pero ganun na lamang ang pagkagulat ko sa anak kong si Aila Marie na sa kanyang ikaapat na araw sa Tokyo ay kaya na niyang sumakay ng tren na mag-isa at nakakarating ito sa iba't ibang lugar na mapa lamang ang kanyang pinanghahawakan.   Katunayan, sa aking last two nights sa Tokyo, siya ang kasa-kasama kong sumakay ng tren at siya pa ang naghahatid sa akin sa tinutuluyan kong hotel.

Sa unang apat na araw namin ni Aila sa Japan, hindi ko siya hiniwalayan.   Sinamahan ko siya sa kanyang dorm sa loob ng apat na araw dahil naga-adjust pa siya.   Sinamahan ko rin siya sa pamimili ng mga gamit niya sa kanyang kuwarto.  

Kung dito sa Pilipinas ay nasanay siyang may sumusundo, naglalaba, namamalantsa at nagluluto para sa kanya, sa Japan ay wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya.   Talagang nakakapanibago.   Iba ang disiplina at kultura ng Japan laluna sa kanyang dorm na may sariling batas na dapat sundin.   Although may sariling kuwarto si Aila, ang ibang rooms ng dorm ay twin at four-sharing.   Ang dorm ay exclusive for girls at mag-isang Filipina si Aila.

Ang six-floor dorm ay may 400 students at different nationalities mula sa iba't ibang schools sa Tokyo.   Bawat floor ay may common toilets at kitchen pero ang common shower rooms, laundry area, dining area at lobby ay nasa ground floor.   Bawat gamit ng stove, internet, shower, washing machine, flat iron at iba pa ay may pre-paid.   Ibig sabihin, hindi gagana ang mga ito kapag hindi ka maghulog ng coin.  

Bawat shower ay 100 yen, 200 yen para sa 15 minutes use ng internet, 200 yen para sa washing machine, 100 yen sa gamit ng stove sa loob ng 10 minutes at lahat ng drinks at pagkain ay naka-vendo ranging from 120 yen to 450 yen.  

Kung walang ibang pagkakagastusan si Aila  at hindi siya kakain sa labas liban sa kanyang daily expenses sa dorm at sa pamasahe sa tren, a minimum of 1,500 yen to 2,000 yen (P375 to P500) ang kanyang daily expenses labas pa ito sa kanyang cellphone, electric at room charges.   Totoong nakakalulang mag-aral at manirahan sa Japan.

Isang araw lamang na-homesick si Aila at mabilis itong nakapag-adjust dahil marami siyang naging instant friends sa dorm at sa kanyang school.   Ang kanyang closest friend ngayon ay isang Chinese-Malaysian.   Hindi pa siya gaanong marunong maglaba pero unti-unti na niya itong natutunan.   Next na gusto niyang pag-aralan ay ang pagluluto.

Kakaiba ang disiplina sa Japan di tulad sa atin na hindi sinusunod ang mga batas.

Kapag adjusted na si Aila sa kanyang buhay sa Japan at sa kanyang pag-aaral, gusto niyang maghanap ng part-time job doon. Ang problema nga lamang ay 16 pa lamang siya at isang menor de edad.  

* * *

a_amoyo@pimsi. net

Source: The Philippine Star