|
|
| Carla Abellana 'di bagay kay Dingdong![]() Author: Mell T. Navarro AYAW paawat ang DongYanatics -- fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera -- sa paghahayag ng hinaing at pagbuhos ng sama ng loob sa GMA-7 management kaya walang hum-pay ang pagkalampag nila sa press via email letters nila, kabilang na tayo rito sa Taliba. Aba, hanggang Ame-rika na may Pinoy-TV subscription ay may fans ang magka-love-team na nagpo-protesta sa desisyon ng Kapuso network na for the new Darna series na solo ni Marian (o maaari raw na maging Narda ang title upang maiba sa Darna ni Angel Locsin noong 2005). Narito ang email ng certain Sarah (doum-yugi@dongyana-tics. org) mula sa Texas, USA. "Isa po akong taga-hanga nina Dingdong Dantes at Marian Ri-vera noon pang nagsisimula pa lang ang Marimar. "Ako'y hindi natutuwa sa ginagawa ng GMA-7 sa loveteam na ito. Nagpakabit pa ako ng Pinoy-TV para lang mapanood ko ang telenovelas nilang dalawa. Tapos hindi na sila ang magkapartner? Anong kalokohan ito? "Sana maiparating n'yo sa GMA-7 na ang grupo namin ng Dong-yanatics. org, na majority sa aming members ay nasa ibang bansa, at kami'y nagkasundu-sundo na ipapaputol namin ang aming Pinoy-TV bilang protesta sa maling desisyon ng GMA executives na pag-hiwalayin ang love team. "Ipaparamdam namin ang recession sa GMA Pinoy-TV nang ma-walan sila ng maraming subscribers. Konting kaligayahan lang, ipinagdadamot pa sa a-ming fans nina Dong at Yan. "At pwede bang 'wag nang ipilit si Carla Abellana kay Dingdong. Hindi sila bagay. Mas maganda at magaling umarte si Marian. Ayaw naming ma-type cast si Dingdong. "Sana maiparating n'yo sa GMA management ang hinaing namin bilang mga fans nina Dingdong at Marian. "Maraming salamat po. Pasensya na sa tone ng email na ito. Dahil 'di talaga nakatutuwa ang ginagawa ng GMA-7 sa pinakamamahal kong loveteam. " Iyan ang mahabang pahayag sa email ni Sarah. Sa palagay ko naman ay nagbabasa ng Taliba ang GMA-7 management. * * * SPEAKING of Carla Abellana, we have not seen her in person, pero sa TV at pics ay very refreshing ang aura niya't rehistro. Looking back noong '80s, hindi napapasu-baliang nag-hit sa masa ang loveteam ng ama ni-yang si Rey "PJ" Abellana at Leni Santos, na sa totoo lang ay hindi lang sa TV sumikat, kundi pati na sa pelikula. Kaya nga heto na ang anak na si Carla at sana nga'y may mass appeal din itong dala tulad ng amang si PJ na ang lakas ng dating sa fans during that era sa showbiz. Niluluto na ng Kapuso network ang Rosalinda bilang launching primetime show ni Carla. Talagang napakasu-werte ng newcomer na ito. Pati Regal Entertainment ay pinapirma kaagad ng kontrata si Carla, and soon ay malalaman na natin ang kanyang future films. Iniintriga na rin now si Carla sa pagkukumpara kay Marian, which we think na malaking tulong dahil may "fire" ang pagpasok niya sa showbiz. * * * NGAYONG May 13 na ang playdate ng Heavenly Touch, ang second gay indie flick of Direk Joel Lamangan after his very successful Walang Kawala starring Polo Ravales and Joseph Bitangcol, produced by DMV Entertainment ni Manny Valera. Sa totoo lang, humataw sa box-office ang Walang Kawala last year and did you know na pati sa international market, ito na ang pumalit sa "trono" ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na ilang taon ding namayagpag? Ayon kay Ferdie La-puz na international distributor ng local films natin sa abroad (or kung whatever his job des-cripiton is), ang lakas ng sales ng Walang Kawala at may international invitations and screenings na ito in the future. Balitang mas daring o mapangahas ang Heavenly Touch na bida ang controversial na si Paolo Serrano (na may self-sex video scandal) at ang newcomer na si Joash Balejado, at ang kuwento ng movie ay tungkol sa dalawang lalaking masahista na nagka-inlaban. We're very sure, da-pat itong abangan ng gay fans at siguradong kawalan for them if they miss this one. Sana lang ay huwag itong katayin ng MTRCB, 'noh! Source: People's Tonight |