| | Carla at Geoff, bagay na bagay! Author: Ruel Mendoza HINDI na nga si Mark Anthony Fernandez ang gaganap na Fernando Jose sa local TV remake ng Rosalinda sa GMA-7 na pagbibidahan ng baguhang si Carla Abellana. From a reliable source ay si Geoff Eigenmann na raw ang magiging leading man ni Carla.
Sey ng aming source, sa shoot ng plug ng Rosalinda, si Geoff ang nakitang kasama ni Carla. Perfect choice nga si Geoff dahil bagay sila ni Carla. Tama lang na inalis si Mark Anthony Fernandez at balita ngang nilagay na siya sa pagbabalik ng Darna na pagbibidahan naman ni Marian Rivera.
Kaya pala may nagsabi sa amin na tinanggal nga sa cast ng nalalapit na GMA Sinenovela na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin si Geoff dahil sa Rosalinda pala siya ilalagay.
***
Magsasama-sama ang mga original Starstruck stars na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte sa bagong handog ng SRO Cinemaserye na Suspetsa.
Ito nga ang ikawalang handog ng SRO Cinemaserye after nang matagumapay na first 8 weeks ng Ganti ng Puso kunsaan bida sina Sheryl Cruz, Geoff Eigenmann, Maxene Magalona at Marvin Agustin. Dito sa Suspetsa ay makakasama nina Jennylyn, Yasmien at Nadine sina Paolo Contis, Ryan Eigenmann at Baron Geisler.
Sinusuwerte pa rin si Jennylyn despite ng kanyang mga ginagawang disappearing act. Bukod nga rito sa SRO Cinemaserye, siya ang gaganap na Jodie sa local TV version ng hit Koreanovela na Stairway To Heaven, kunsaan si Dingdong Dantes ang makaka-partner niya. Kung matatandaan ay gumanap na mag-ama noon sina Dingdong at Jennylyn sa Encantadia.
Matagal ding napahinga sina Yasmien at Nadine sa paggawa ng TV drama. Nabalita nga na makakasama raw si Nadine sa drama project ng ABS-CBN 2 na Dahil May Isang Ikaw na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Carmen Soo at Karylle. Pero pinabulaanan ito ni Nadine dahil may exclusive contract pa siya sa GMA-7. Source: Abante |
|