Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carla at Geoff, nabahala sa ratings ng 'Rosalinda'

Author: Nitz Miralles

HINDI na raw si Carla Abellana, kundi si Bea Alonzo ang kinukuha ni Mother Lily Monteverde para gumanap na anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival.

As of today, wala pang balita kung ipahihiram ng ABS-CBN at Star Cinema ang aktres sa Regal na kung matutuloy, first movie niya sana outside Star Cinema.

Nauna nang kinukuha ni Mother Lily to play Sharon's daughter sina Kim Chiu at Angel Locsin, pero parehong hindi pumuwede, kaya lumutang din ang name ni Carla.

* * *

DUMALAW kami sa taping ng Rosalinda kahapon at masaya ang cast at staff na pumipik-up na ang rating ng series.

Inamin ni Carla, gumaganap sa role ni Rosalinda, na bothered sila ni Geoff Eigenmann sa rating at nag-usap sila kung ano ang mga dapat gawin para tumaas ang rating nila, kaya laking tuwa nila sa gumagandang rating ng series.

Naniniwala si Carla na madaragdagan ang susubaybay sa kanila sa mga darating na linggo dahil marami ang mangyayari kay Rosalinda at may darating na bago niyang pag-ibig sa katauhan ni Alex Durantes.

Sabi ni Redgyn Alba, program manager ng Rosalinda, under negotiation na si Alex at gaganap sa role ng record producer. GMA talent siya at kasing-guwapo ni Geoff para maganda ang laban.

Ipinarating namin kay Carla ang comment ng viewers na mabagal siyang mag-deliver ng dialogue at ang rason nito'y pini-feel niya ang lines niya kung paano ang tamang execution, pero natutuwa siya't as a whole, positive ang feedback ng viewers sa kanya.

Kinunan na ang love scene nila ni Geoff, first time niyang gumawa ng ganu'ng eksena, kumusta naman?

"It was difficult dahil first time kong ginawa and you feel violated, pero nakatulong na there were few people sa set at 'di ako nag-worry kay Geoff. He was very professional at comfortable ako sa kanya na nakatulong ng malaki para magawa ko ang eksena," sagot nito.

Take one ang love scene na mapapanood in tomorrow's episode. Wala silang rehearsal at blocking lang ang ginawa ni Direk Maryo J. delos Reyes. Kinabahan si Carla habang ginagawa ang eksena't inisip ang magiging reaction ng lola, ina at ama niya.

* * *

ANG inamin ni Manny Pacquiao na na-starstruck siya sa asawang si Jinkee Pacquiao ang naalala namin nang i-present ang huli bilang endorser ng Smart Lipo at Belo Diet Injections ng Belo Medical Group, mga prosesong nagpapapayat, lalo na sa mga bagong panganak.

Para ngang hindi apat ang anak ni Jinkee at ito'y dahil sa tulong ni Dr. Vicki Belo. Wala si Manny sa presscon, kung saan sinabi ni Dr. Vicki na libre ang paglabas nito sa print ad at billboard ni Jinkee bilang suporta sa asawa.

Napansin lang naming medyo nabago ang sagot ni Jinkee nang tanungin kung posible siyang mag-showbiz dahil dati, "wala" agad ang sagot niya, pero ngayon, pag-iisipan niya kung may offer, pero priority pa rin ang ang alagaan niya ang mga anak niya at si Manny.

* * *

MARAMI ang makaka-relate sa istorya nina Samson (Vic Sotto) at Lily (Paula Taylor) sa LOL o Love OnLine na nagka-relasyon dahil sa Internet.

Comedy lang ang treatment, kaya tatawa nang husto ang mga manonood nito simula sa August 19 sa direction ni Tony Reyes.

Produced ng M-Zet TV ni Vic, OctoArts Films ni Orly Ilacad at APT Entertainment ni Tony Tuviera ang pelikula, kung saan kasama rin sina Manilyn Reynes, Jose Manalo, Leo Martinez, Matt Evans, Melissa Ricks, Dominic Roco, Ricky Davao at Gina Pareño.

First time gumawa ni Paula ng movie sa 'Pinas at dahil nag-enjoy, baka masundan pa. Hindi na siya nagulat sa pagli-link sa kanila ni Vic dahil ganu'n din daw ang promo ng movie sa Thailand, inili-link ang magkapareha.

* * *

SA All My Life ngayong Huwebes, tinanong ni Sally (Manilyn Reynes) si Romina (Kris Bernal) kung totoong sumama siyang magtanan kay Jules (Aljur Abrenica). Handa ang binatang pakasalan ang nobya.

Nagpatulong si Romano (Zoren Legaspi) kay Perry (Paolo Avelino) para hanapin si Romina at nangakong mapupunta sa kanya ang dalaga 'pag nahanap nila.

Magpa-panic sina Jules at Romina nang atakihin ng sakit si Efren (Romnick Sarmenta). Hiniling ni Efren kay Jules na sabihing siya ang ama ng dalaga, na ikinagulat ni Jules.

Source: People's Tonight