Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carla at Geoff, susunod sa yapak nina Marian at Dingdong

Author: Abante

ABALA na ang mga artista ng GMA 7 sa pagsu-shoot ng cinema plug ng mga upcoming shows nila. Kahapon ay nag-shoot na rin daw ng cinema plug para sa Rosalinda sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Sabi, sa Intramu­ros, Manila raw ginawa ang cinema plug, dahil hango sa isang Mexican telenovela ang Rosalinda. At `yun din daw ang first time na nagharap at nagsama ang dalawang bida ng show.

Si Carla Abellana nga ang gaganap na Rosalinda, si Geoff naman si Fernando Jose.

Sila nga raw ang ba­gong love team na pasisika­tin ng Kapuso, na susunod sa yapak nina Ma­rian Rivera at Dingdong Dantes.

Anyway, sa kabila ng mga impormasyon na nakuha namin regarding the cinema plug shoot ng Rosalinda and with Geoff as leading man, hindi pa rin namin nagawang pigain ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan para direkta na nga nitong kumpirmahin na ang alaga na nga ang gaganap na Fernando Jose.

“Wala akong sinasabi,” ang madalas lang nitong sabihin sa amin kapag tinatanong namin kung si Geoff na talaga ang leading man ni Carla sa Rosalinda.

Source: Abante