Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carla, gustong makilala si Justine Timberlake

Author: Nitz Miralles

Sabay ng grand launching ng Darna kahapon sa S. O. P. ang birthday celebration ni Marian Rivera na magbi-birthday sa August 12. Isa sa mga pinasalamatan ng actress ay si Dingdong Dantes, ang pamilya nito at Bellevue na tsika sa amin, restaurant sa The Fort kung saan ginawa ang birthday treat ni Marian para kay Dingdong at kasama nila ang pamilya ng actor.

Happy at thankful si Marian sa big project na ibinigay sa kanya ng GMA-7 at ginagawa niya ang lahat na mabigyan ng justice ang role ni Darna. Siniguro nitong mag-i-enjoy ang viewers lalo na sa transformation scene niya.

Samantala, mamaya na ang premiere ng Darna after 24 Oras at nauna nang pinalitan ng litrato ni Marian ang Darna statue sa 7th floor ng GMA Network building. Nang masilip namin, kapareho ng costume ng actress ang costume ng statue at headdress na lang ang kulang.

* * *

Nagmistulang tribute kay Bea Alonzo ang presscon ng And I Love You So dahil puro papuri sa kanya bilang actress sina Direk Laurenti Dyogi, Derek Ramsay, Sam Milby, Candy Pangilinan, Nikki Gil at Coney Reyes at tinawag pa siyang "the next important star. "

Naloka lang ang press sa dialogue nitong "Puwede na akong sumunod kay Tita Cory. " Hindi nahiya si Bea na amining natatakot siya dahil hindi si John Lloyd Cruz ang kapareha, at the same time, nagpapasalamat ito sa kanyang fans dahil alam na susuportahan ang pelikula at ang dalawa niyang kapareha.

Para maging makato-tohanan ang portrayal niya sa role ng isang biyuda, nag-interview si Bea ng totoong biyuda at nakatulong ng malaki sa kanya ang paki-kipag-usap dito. Sa August 12 na ang showing ng And I Love You So na comeback directorial job ni Direk Lauren.

* * *

Si Carla Abellana ang cover ng May-June issue ng Kapuso magazine at sa mala-slum-book na mga tanong, nalaman naming "Angeline" ang second name niya, na galing sa dad niya ang kanyang dimples at tini-treasure niya the most ang diploma niya at cum laude medal.

Gusto niyang makilala si Justin Timberlake at 26 years old siya mag-aasawa. She's 23 now at may three years pa siya to look for Mr. Right. Ang ideal man niya'y gentleman and a good friend, a man with a good sense of humor and very loving. Paging Geoff Eigenmann!

Adik si Carla sa masahe, foot spa, manicure at pedicure. Super enjoy siya sa first taping day niya sa Rosalinda at thankful sa co-stars at production staff sa nasabing soap na mababait, very friendly at winelcome siya with open arms.

Samantala sa Rosalinda, hiniram ni Fedra (Katrina Halili) ang singsing ni Rosalinda na galing kay Soledad at nakita 'yun ni Alfredo (Ariel Rivera). Malalaman ni Soledad (Glydel Mercado) ang nalalapit na kasal nina Rosalinda at Fernando Jose (Geoff), no choice siya kundi ipagtapat sa dalaga ang katotohanang siya ang tunay nitong ina.

* * *

Monday sa All My Life, sinaktan ni Sally (Manilyn Reynes) si Dessa (Jenny Miller) nang malaman kay Romina (Kris Bernal) na kabit ito ni Romano (Zoren Legaspi). Palalayasin ni Amelia (Gelli de Belen) si Dessa, pero hindi pumayag si Romano.

Tinanong ni Amelia si Dessa kung bakit kumabit sa asawa? Puwede raw niya itong idemanda, pero matapang ang huli at handa niyang ipahukay si Luke para malaman ng lahat kung sino ang unang nangaliwa.

* * *

Gaganapin sa August 14, 10 a. m. -12 nn. sa Shang Cineplex ang special screening ng Ligtas Likas, a 25-minute animation film on climate change at produced ng office ni Sen. Loren Legarda in cooperation with Creative Media and Film Society of the Philippines headed by Imee Marcos na tiyak marami ang matututunan ng manonood.

Tuloy din ang panawagan ni Sen. Loren sa gobyerno na kumilos na at mag-isip ng panlaban sa sunud-sunod na climate disturbances. Apektado ang food at fresh water supply, livelihood, biodiversity, infrastructure, at culture and economic well-being.

* * *

Ang Life After Sex Video ni Sandra Aguinaldo ang mapapanood sa I-Witness mamaya. Ire-report ni Sandra ang nangyari sa mga babaing naging biktima ng sex video at ano ang ginawa nila para makabangon at maibalik ang kanilang buhay.

Si Katrina Halili ang pinakasikat na biktima ng sex video, pero naranasan din ito ni "Emma" na minsang nakipagtalik sa isang foreigner, but after one year, kumalat sa Internet ang sex video nila. Kinutya si Emma, kaya ginawa nito ang lahat para maalis ang sex video sa Net.

May interview din si Sandra kay "Charlie" na aminadong gumagawa ng sex video at kinuwento kung ano ang ginagawa sa mga babaing binibiktima.

Source: People's Tonight