Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carla, naagawan si Jolina! Richard, sobrang adventurous!

Carla, naagawan si Jolina! Richard, sobrang adventurous!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

HINDI talaga napapagod ang apo kong si Richard. Katatapos lang ng Zorro, nagsyuting na siya agad ng Patient X, at heto, nagli­bot pa pala siya sa buong Pilipinas para lang makunan ang magagandang lugar natin at maipalabas sa Planet: Philippines, a GMA News and Public Affairs Environment Special, na ipalalabas sa Sunday, Sept. 6.

At adventurous talaga si Chard, dahil sumama talaga siya sa crew ng Siyete na umakyat ng bundok, luma­ngoy sa malalim na dagat, nag­lakad ng mahabang oras, para lang maipakita sa mga Pinoy ang kahalagahan ng ating kapaligiran.

Well, hindi kataka-taka 'yon, kaya nga siya pinarangalan ng Fr. Neri Satur Award for Environmental Heroism, at siya rin ang spokesperson ng Green Peace.

Sabi nga ni Richard, dapat tayong tumulong sa lahat para mapanatili ang ating magandang kapaligiran.

Anyway, malapit na ring simulan ni Chard ang Full House, ang bago niyang teleserye sa GMA.***

Sangkatutak na bagets na naman ang pumila kahapon sa bakuran ng Siyete, at lahat sila ay nangangarap na maging artista, ha! Aba, punung-puno ang paligid ng studio ng iba't ibang klase ng bagets, may bading, babae, tomboy at lalaki, na gustong makasali sa Starstruck V.

Kahapon din ay ipinakilala ang mga host ng Starstruck V na sina Dingdong Dantes, Raymond Gutierrez, at may bago silang kasama, si Carla Abellana. Ano ang nangyari kay Jolina Magdangal? Natsugi na?
Well, may 'k' naman daw si Carla na maging co-host nina Dingdong at Raymond, dahil mahusay naman daw itong magsalita, na dapat lang, dahil may honor siya nu'ng nagtapos siya sa kolehiyo, ha!

I'm sure, sina Carla at Jolina naman ang pagsasabungin ng iba. Pero, hindi naman dapat, dahil sure naman na may ibang project na ibibi­gay kay Jolina.

Source: Abante