|
|
| Carla, nahirapan sa lampungan kay Geoff!![]() Author: Abante IPINALABAS na sa TV ang engrandeng kasal nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa Rosalinda. Higit na nakakakilig ang eksenang mangyayari sa dalawa dahil ang eksenang honeymoon naman nila ang ipalalabas ngayong linggong ito! Kaya naman inusisa agad namin si Carla sa eksenang 'yon nang bisitahin namin siya sa set ng Rosalinda. ”Mahirap pero enjoy naman. Ha! Ha! Ha!” bungad na sabi ni Carla. Eh, 'yung love scene nila ni Geoff? “It was very difficult because it was the first time na I've done such a thing. Lahat naman kasi first sa akin. Mahirap po siya because love scene 'yon. You feel violated! Pero there were very few people on the set, tapos, hindi naman po ako nagwu-worry kay Geoff. “Okey naman. Nakatulog naman ako. Very professional si Geoff kaya hindi naman po ako kinabahan masyado!” kuwento ni Carla. Pinaghandaan ba nila ni Geoff 'yon? “Hindi kami naghanda, although we did some rehearsal. We rehearsed before we taped the scene. Kami ni Geoff, hindi kami nag-practice o naghanda. We just let it happened, I guess,” say niya. Wala silang personal na practice? “Wala po! Ha! Ha! Ha! “Promise, wala po! Ha! Ha! Ha!” natatawang tugon ni Carla. Naku, alam ba 'yan ng lola niya? “Hindi nga po, eh. Sobrang kinabahan nga ako nu'ng kinunan ang love scene namin. Kasi, ano ang iisipin ng lola ko, mommy ko, daddy ko? Pero naiintindihan naman nila 'yon, sila pa!” katwiran ni Carla. (JUN NARDO) Puwede ba talagang ma-in love ang dalawang tao na sa internet lang nagkakilala? 'Yan ang maintrigang isyu na tinalakay sa pelikulang “Love On Line (LOL),” na bida sina Vic Sotto at Paula Taylor, na prodyus ng M-Zet-Octoarts-APT Films. Anyway, puring-puri ni Vic ang leading lady niyang si Paula, na kahit baluktot daw ang dila, pilit na nakikipagtsikahan at nakikipagtawanan sa kanila. Sabi pa ni Vic, wala raw karekla-reklamo si Paula sa shooting nila. Kasama rin sa “Love On Line (LOL)” sina Jose Manalo, Manilyn Reynes, Matt Evans, Melissa Ricks, Dominic Roco, Gina Pareño, Ricky Davao at Leo Martinez. Last year ay nag-celebrate si Lea Salonga ng kanyang ika-30th anniversary sa pamamagitan ng concert niyang Lea...My Life...On Stage, na prodyus ng AmbientMedia. Nagwagi ang concert na `yon sa 2008 Aliw Awards for Best Director, Best Musical Director at Best Major Concert for Female. At ngayon, muli na namang magpapakita ng kahusayan si Lea sa concert niyang Lea Salonga: Your Songs, na gaganapin sa PICC Plenary Hall sa December 11 at 12. Kakaiba ang concert na ito ni Lea, dahil pawang mga kanta na request ng kanyang mga fans ang kakantahin niya. Kaya kung type niyong marinig ang mga paborito niyong kanta sa concert ni Lea, mag-email lang kayo sa www.LEAyoursongs.com. Source: Abante |