|
|
| Carla, palaging bukambibig ni GeoffAuthor: Nitz Miralles Balitang ang Ded Na Si Lolo ng Sine Direk ang nirekomenda ng Film Academy of the Philippines na maging entry ng bansa sa Best Foreign Language Films sa Oscars next year. This Tuesday daw ia-announce ng FAP ang tungkol dito. Tampok sa pelikula sina Gina Alajar, Roderick Paulate, Beth Oropesa, Manilyn Reynes, Dick Israel, Rainier Castillo at Perla Bautista, sa direction ni Soxie Topacio na na-tension sa magandang balita. Sabi ni Direk Soxie; "Grabe nati-tense ako ngayon. Kasi noong sinulat ko ang Ded Na Si Lolo I was just doing it to comply sa DGPI call for directors to submit scripts. "Ako ang coordinator ng contest so I have to submit also. So I rushed to a secluded place and wrote it in 3 days. Ni hindi ko inisip ito for awards. Even noong shooting, wala lang, we were just enjoying doing the film. "Now that the FAP recommends the film para sa Oscar, ngayon ako na tense. Parang ang laki ng expectations sa film. Paano kung...ewan. Basta I'm so happy now, excited and nervous. Thank you FAP and APT Entertainment. " Samantala, muling mapapanood ang mga pelikula ng Sine Direk sa UP Film Center. Kahapon ang Fuschia ni Joel Lamangan, bukas at sa September 26, ang Ded Na Si Lolo; Sept. 24, Litsonero ni Lore Reyes; Sept. 28, Agaton & Mindy ni Peque Gallaga; Sept. 29, Kamoteng Kahoy ni Maryo J. delos Reyes; at Sept. 30, Bente ni Mel Chionglo. * * * IBinuking ni Rhian Ramos si Geoff Eigenmann na puro si Carla Abellana ang laman ng isip at puso at sa tsikahan nila sa set ng Panday, ang kapareha sa Rosalinda ang laging kinukuwento. Nakunan na rin ng litrato sina Geoff at Carla na magka-holding hands habang natutulog ang actor at nasa tabi lang niya si Carla na nakabantay. How sweet! Sabagay, hindi itinatanggi ni Geoff na special sa kanya si Carla at lungkut-lungkutan nga ito na hindi sila magkasama sa taping ng Rosalinda nitong mga nakaraang araw. Si Katrina Halili ang madalas niyang kaeksena at si Jomari Yllana naman ang kay Carla. Sa Rosalinda, makikilala na si Rosalinda bilang si Paloma at nangakong maghihiganti sa mga taong nanakit sa kanya kabilang ang asawang si Fernando Jose at ina nitong si Valeria (Shery Cruz). Nangako rin itong gagawin ang lahat para mabawi ang anak na si Erica. * * * Puno ng tao at masaya ang premiere night ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie at maraming bata sa audience ang umuwing nakatawa sa kanilang napanood. Ito ang pelikula na pati arwana umarte. Nakakaloka! Ang husay-husay ni Michael V at 'di rin nagpahuli si Ogie na nakaluhod sa kanyang mga eksena. Sina Regine Velasquez at Dennis Trillo ang dalawa sa may cameo role, si Songbird bilang unang yaya ni Angelina at ang huli'y bilang kapitbahay na pinapantasya ni yaya Rosalinda. Successful ang first try ni Direk Mike Tuviera sa comedy. Maraming Kapuso stars ang nanood, pero wala si Regine dahil inaatake ng migraine na rason din ng absence niya sa Celebrity Duets 3 noong Saturday. Pinilit lang nitong mag-S. O. P. dahil masisira ang sequencing ng show. Showing na bukas ang Yaya and Angelina. * * * Sa Stairway to Heaven, binunggo ni Eunice (Glaiza de Castro) si Jodi (Rhian Ramos), kaya hindi nasundo ng dalaga si Cholo (Dingdong Dantes) sa airport. Palalabasin ni Eunice na patay na si Jodi at maniniwala si Cholo dahil suot ng bangkay na ipnakita sa kanya ang singsing na bigay niya kay Jodi. Pati DNA test ng bangkay at ni Jodi ay nag-match. Pero, itinago lang ni Eunice si Jodi sa bahay ng ama niyang si Dindo (Soliman Cruz) at dun na gagamutin. May amnesia si Jodi at sasamantalahin ni Tristan (TJ Trinidad) ang pagkakataon, ibang pangalan ang ibibigay niya kay Jodi, makikilala na siyang si Jenna. Source: People's Tonight |