Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carlene Aguilar handa nang magpaseksi

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

NAG-AARTISTA na si Carlene Aguilar. Tinanggap niya ang guesting sa Kung Ako Ikaw at nagpaseksi pa siya.

Nagsuot siya ng puting kamison na nabasa pa ng ulan kaya lalong lumitaw ang kanyang kaseksihan.

Ang episode nila ay tungkol sa mga magkakangkong at ito ang pinakaseksing episode ng KAI.

Si Carlene ang naparusahan ng bisor at pinahiga sa kangkungan habang hinuhulugan ng mga buhay na daga.

Halos himatayin sa takot sa daga ni Carlene. Buti na lang at nakayanan niya ito.

Kasama ni Carlene for that particular episode ng KAI sina Charise Solomon at Geneva Cruz.

* * *

MALAPIT nang matapos ang pagtawag ni Rich Asuncion kay Blumark Roces ng "kuya. " Madalas na kasi silang makitang magka-holding hands sa set ng Kaputol ng Isang Awit.

Nung presscon ng Magdusa Ka ay sinabi ni Rich na "kuya" ang tawag niya kay Blumark dahil matagal na silang magkasama sa mga modeling job sa Tagbilaran City sa Bohol Sa isang contest doon, si Bluemark ang nanalong best model sa lalaki at siya naman ang sa babae.

Buhat noon ay madalas na silang magkita sa mga fashion show. Di nila akalain na magkikita sila rito sa Manila . Si Rich ay finalist ng StarStruck 4, samantalang si Blumark ay member ngayong M-Gage na mina-manage ni Direk Maryo J delos Reyes.

Magkasama silang dalawa ngayon sa Magdusa Ka bilang mag-love team.

Bida naman sa soap opera sina Katrina Halili at Dennis Trillo.

* * *

MAKIKIPAG-BED scene na raw si Maggie Wilson sa tambalan nila ni Robin Padilla sa Joaquin Bordado.

Sa istorya ng JB ay mai-in love si Maggi kay Joaquin. Tapos, magigising na lang si Robin na nasa kama na siya ni Maggie na pareho silang hubad kunwari.

Pagkatapos maging Bb. Pilipinas World ni Maggie, sasabak na ba siya sa mga mature role? Tutulad din kaya siya kay Katrina Halili sa pagpapaseksi ngayong tapos na siya sa Bb. Pilipinas as reigning queen?

* * *

TAMA lang na maging weekend ang Takeshi's Castle dahil kasasabikan itong panoorin ng televiewers. Iba kasing games ang palaging itinatampok sa shwo na mula pa sa Japan.

Mahal ang pagbili ng rights ng Takeshi's, pero sulit naman daw dahil laging panalo sa ratings ang show.

Never pa itong natatalo ng kalabang programa.

Tuwing Saturday at Sunday na lang napapanood ang Takeshi's bilang pre-programming ng Eat Bulaga at ng SOP.

Host pa rin sa local show sina Joey de Leon at Ryan Yllana.

* * *

NAKAKAINGGIT ang bagong mag-asawang Inah Revilla at Vince del Rosario. Pagkatapos ng wedding nila, ayon kay Lani Mercado sa set ng Moms (Monday to Friday, 5 p. m. sa QTV 11), ay li-lipat na ang dalawa sa bagong condominium worth P10 million na bigay ng ama ni Vince na si George del Rosario.

"Mas malapit ang condo sa bahay ng parents ni Vince sa Makati. Pero, malapit na rin ang Makati , ang kinalalagyan ng condo nina Inah at Vince, sa Alabang, kung saan naman kami nakatira ni Bong at aming mga anak," kuwento ni Lani.

Naibalita rin ni Lani na okay na sina Bong (Revilla) at father ni Vince na si George dahil nagkausap muli ang magkaibigan nang mamanhikan ang pamilya Del Rosario sa mga Revillas sa Alabang recently.

Ang gagastos ng buong kasalan ay ang pamilya Del Rosario. Gaganapin ito sa Manila Cathedral sa May 28 at ipalalabas sa mga shows ng GMA 7. Ang GMA ang nakakuha ng TV rights ng wedding.

Nilinaw din ni Lani na mayaman ang pamilyang Del Rosario. May sariling bahay sila sa Forbes Park na pundar ni George mula sa namanang ari-arian ng pamilya.

Hindi rin staff ni Bong si George sa Senado. Bagkus, nagsimula ang friendship ng dalawa simula nang maging vice governor ng Cavite si Bong. May sampung taon na ring magkaibigan ang dalawa.

Samantala, ang Moms ay napapanood tuwing weekdays sa QTV-11. Host din dito sina Sheryl Reyes at Manilyn Reynes.

Source: Taliba