|
|
| Carlene Aguilar, katakam-takam!![]() Author: Ruel Mendoza NAI-ENJOY ni Carlene Aguilar ang kanyang kaseksihan ngayon. At sabi nga, pantasya na rin si Carlene ng mga barako ngayon, dahil sa pagpu-pose niya ng seksi sa isang men's magazine. Kuwento ni Carlene, bago siya sumalang sa pictorial, matinding diet at exercise ang ginawa niya. “Matagal na akong kinukuha ng FHM para mag-pose sa kanila. Pero, hindi ako pumayag noon, kasi nga hindi pa ako confident sa katawan ko. “Kaya ilang beses din nila akong binalikan kung puwede na ba ako? Natutuwa naman ako sa mga taga-FHM kasi very patient sila. Puwede naman silang kumuha ng ibang cover girl, 'di ba? Pero hinintay talaga nila ako. Nag-enjoy ako sa pictorial kasi kakaiba. Medyo nahirapan ako sa ibang poses, pero it was really different from the other pictorials I did,” sabi pa ni Carlene. Paraan ba ni Carlene ito para ipakita na katakam-takam pa rin ang alindog niya kahit na may anak na siya? “Oo naman! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa niya. “Hindi naman hadlang ang magkaroon ng anak, eh. Hindi porke't may baby ka na, pababayaan mo na ang katawan mo. I want a lot of people to see, lalo na ang mga young mothers na they can still be sexy. Bakit ka magpapakalosyang kung puwede ka pa naman maging sexy, 'di ba?” say pa niya. Anyway, tuluy-tuloy na rin ang pag-aartista ni Carlene. Matapos nga siyang maka-partner ni Vic Sotto sa Iskul Bukol... 20 Years After, makakasama naman siya sa bagong telenovela nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang'. “Happy ako kasi nabigyan ako ng chance na mapabilang sa isang soap drama na alam naman natin ay magiging big hit sa TV.” Ang worry lang ni Carlene ngayon ay baka magkulang siya ng oras sa anak nila ni Dennis Trillo na si Calix Andreas. Bukod sa showbiz, nag-aaral pa si Carlene sa U.P. Diliman. “Ngayon pa nga lang na hindi pa ako nagte-taping, I'm juggling between my schedule sa school at sa bahay. Minsan kasi may mga raket na dumarating like guesting, live appearances, out-of-town shows at modeling assignments. Salamat sa Diyos at nagagawan ko naman ng paraan na hindi ko napapabayaan si Calix. “Kapag sobrang toxic na ang schedule ko sa isang araw, ang mommy ko ang nag-aalaga kay Calix. Though meron namang yaya si Calix, still, I feel safe na nandiyan si mommy para tingnan ang bata. “Sometimes nga I feel guilty na naiiwan ko si Calix for one whole day dahil sa mga ginagawa kong work at sa school. Pero 'yun nga raw ang sacrifice na dapat pagdaanan ng isang single parent, eh. May mga sacrifices na masakit talagang gawin, but you have to do it. Lalo na kung may isang buhay na nakadepende sa iyo. But I'm surviving it naman,” say na lang ni Carlene. Source: Abante |