|
|
| Carlo Aquino to hit the gym to get next project in GMA-7![]() Author: Rose Garcia Bukas, Friday, ang pagtatapos ng Maging Akin Ka Lamang, pero ayon kay Carlo Aquino nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala pa raw siyang alam na susunod na proyekto sa GMA-7. Aniya, pinagdyi-gym daw siya ng nakausap na executive ng GMA-7. "Medyo magpalaki lang daw ako ng katawan. Ever since daw kasi, payat lang ako. At kapag okey na ang katawan ko, puntahan ko raw siya at siya na ang gagawa ng paraan para magkaroon ako ng next project sa GMA-7," kuwento ni Carlo sa PEP. MISSING MAGING AKIN KA LAMANG. Mami-miss daw niya ang mga nakasama sa show, lalo na raw ang character niya rito. "Yung character ko kasi, may pagka-bad, e. Sanay sila na ako ang inaapi, dito ako ang nang-aapi. Sa mga kasama ko naman, bonding kami, e. Kapag may mall shows nga, sabay kaming nagla-lunch." Nagulat naman ang PEP sa sagot ni Carlo nang tanungin siya kung may pagka-bad na character pa rin ba ang gusto niyang gampanan sa susunod niyang proyekto. "Alam mo, ewan ko...gusto ko talaga fantaserye! Yun talaga ang gusto ko. Siguro kasi, never pa 'kong nakagawa nun. Pero yun talaga ang gustung-gustong-gusto ko!" Dugtong pa niya, "Siguro kasi, napanood ko yung Heroes, so, sabi ko talaga sa sarili ko, gusto ko 'to, ang ganda nito. At saka, gusto ko rin yung character na medyo bad, pero, hindi mo alam na ganoon pala." GOING SEXY? Tila nauuso na ang pagpapakita ng kaseksihan ng mga kalalakihan with Dingdong Dantes's sexy underwear billboard at mga seksing boy groups like Boys.com, Showboys, at Coverboys. As for Carlo, kaya rin ba niyang makisabayan ng pagpapa-sexy? "Kung kaya, siguro. Pero yung hanggang kaya ko lang! Kapag may hiningi pa na hindi ko kaya, hindi na siguro. Basta lower [part of the body], hindi ko na kaya." Paniniwala raw kasi niya, "Kaya nga meron tayong mga pantalon at shorts. Kasi, kung puwede mo naman pala ipakita 'yan [lower parts], hindi naman na gagawin ng Panginoon ang mga yun," natatawa pa niyang sabi. MAJA SALVADOR. Kung papaniwalaan ang mga lumalabas na balita, break na raw silang dalawa ng young actress na si Maja Salvador, pero hirit agad ni Carlo, paano raw sila magbi-break gayong hindi pa nga nagiging mag-on. "Medyo matagal na rin kaming hindi nagkikita," nasabi pa ni Carlo tungkol kay Maja. Magdadalawang buwan na nga raw siguro silang hindi nagkikita. "E, marami siguro siyang ginagawa. Ako naman kapag ganoon, hindi naman ako nagpipilit [na makipagkita]." There was a time daw talagang nag-lie-low na siya sa panliligaw sa dalagang taga-Dos. Yun daw yung time na busy at maraming pinagkakaabalahang projects si Maja. Pero 'pag maluwag naman daw ito ay lumalabas daw talaga sila to date. Never daw siya talagang nagpipilit na makasama ito kapag marami itong trabaho. "Siyempre busy, e. Umaga na umuuwi. Alangan naman pupunta 'ko sa kanila mga alas-tres [ng madaling araw] 'tapos, gigising siya alas-sais [ng umaga]. Parang pangit naman yung ganoon." Pero sumisingit pa rin daw siya ng pangungumusta rito sa kabila ng marami nitong trabaho. "Text-text, kinukumusta ko siya. Ganoon lang. Siguro minsan, nakakalabas kasama ang family niya, kasama rin ang family ko. Naging okey kaming dalawa, pero hindi talaga naging kami." SO, ARE THEY OR ARE THEY NOT? Naintriga ang PEP sa mga pahayag ni Carlo. Paanong hindi naman sila mag-on kung nagde-date naman pala sila kapag walang gaanong trabaho si Maja? Dapat ba talagang paniwalaan ang mga sinasabi niyang hindi sila mag-on ni Maja? At kung paniniwalaan na hindi nga sila mag-on, ano't napakatiyaga niyang nanunuyo pa rin dito? "E, okey lang...kung ganoon talaga ang proseso, 'di ba?" sagot agad ni Carlo sa PEP. And for the record daw, less than a year pa lang naman daw siyang nanliligaw sa young actress. "Ganoon lang naman, steady lang naman siya," paliwanag pa ni Carlo. "Iba na kasi ang proseso kapag may commitment na, e. At saka, mas magiging kumplikado, siguradong maraming magtatanong." So, tama kayang i-assume na meron silang mutual understanding ni Maja? "Hindi, e. Wala naman siyang sinasabi sa akin na hindi ako puwedeng makipag-date sa iba at wala rin naman akong sinasabi sa kanya na ganun din. Basta kami, open lang. Kung gusto niyang makipag-date sa iba, okey lang." BELIEVE WHAT YOU WANT. Para kay Carlo, wala naman daw siyang magagawa kung iba pa rin ang pinaniniwalaan ng ibang tao sa tungkol kanila ni Maja, kahit na nagpaliwanag na siya. Kung yung iba man ay naniniwalang break na sila or kung yung iba naman ay naniniwalang mag-on naman silang talaga. Aniya pa, "Wala naman akong magagawa, e. Lahat naman ng tao, entitled sa opinion nila. So, kung sa paniwala nila mag-on kami at kung yun ang makakapagpasaya sa kanila, hindi ko na hahadlangan yun." "Wala talagang problema. At saka ako, ayoko ng namumroblema talaga." Same way rin daw ng pagha-handle niya ng masasamang tsismis tungkol sa kanya ang pagha-handle niya ng mga balita tungkol sa kanila ni Maja. "As much as possible kapag may mga tsismis na masasama sa akin, hindi ko pinapansin na lang. Kasi, sayang lang yung energy." Source: Philippine Entertainment Portal |