Mar 16
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carlo Orosa reveals Dindong Dantes helped in getting Karylle the Pacquiao-Hoya and "West End Story" jobs

"Aminado naman si Kaye [Karylle] na maraming naitulong talaga sa kanya si Dingdong. And kung manonood si Dingdong ng laban sa Las Vegas, may possibility na magkita sila dahil friends naman sila. And I'm sure, pagbalik ni Kaye from Las Vegas, she will open

Author: Nora V. Calderon

Sa contract signing ni Christian Bautista bilang endorser ng ni-launch din noon na BlackWater men's spray ng Ever Bilena sa Annabel's Morato, nung Huwebes, November 20, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang president ng Stages talent management na si Carlo Orosa.

Hiningan ng PEP ng paglilinaw si Carlo hinggil sa paglipat ni Karylle sa management nila from Genesis of Angeli Panglinan-Valenciano, at sa pag-transfer din nito from GMA-7 to ABS-CBN.

Unang inusisa ng PEP ang paglipat ni Karylle sa Stages.

"Nangyari ito dahil sa pagkuha namin kay Karylle to play Maria in West Side Story," simula ni Carlo. "Then kinausap ako ng daddy niya, si Dr. Modesto Tatlonghari at humingi ng advice.  Nag-usap naman kami at humihingi siya ng new direction for Kaye's career. Bago kami natapos mag-usap, tinanong na niya ako kung pwede raw mag-move sa company ko si Kaye.

"I told her dad na dapat ay makipag-usap muna siya kay Angeli Pangilinan-Valenciano of Genesis Entertainment dahil nasa kanila pa si Kaye [Karylle's nickname]," patuloy ni Carlo.  "Ayaw ko kasing magkaroon kami ng conflict ni Angeli who's a good friend of mine and dating manager ko rin siya. Nag-usap sila at nag-usap din kami ni Angeli, at in-entrust niya sa akin si Kaye. 

"'She's very good, very intelligent,' ayon kay Angeli, which alam ko naman. So, tinanggap ko nang lumipat sa amin si Kaye."

Alam ba niya na may problema sina Kaye at ang dating boyfriend nito na si Dingdong Dantes?

"Wala akong alam noong una, pero nang lumabas na sa mga write-ups, ako na rin ang nag-suggest sa daddy niya na hindi kaya mas maganda kung ilipat namin si Kaye sa ABS-CBN. May mga friends naman ako sa GMA Network at pwede akong makipagtrabaho sa kanya, pero dahil sa nangyari, mas tama yatang sa ABS-CBN na lang siya.

"Pero bago ko ginawa iyon, nakipag-usap muna ako sa ABS-CBN kung open sila na tanggapin si Kaye. What's the use of transferring kung wala naman palang maibibigay na project sa kanya?  Pumayag naman ang ABS-CBN na lumipat sa kanila si Kaye.

"Para kasi sa akin, career move na rin kay Kaye iyon dahil ang feeling ko wala na siyang place sa GMA Network dahil naroon sina Dingdong at Marian [Rivera] at hindi naman ako nagtataka na sila ang isa sa top priorities ng network."

SAYING GOODBYE TO GMA. Paano nagpaalam sa GMA si Karylle?

"Kaming dalawa ni Kaye ang nagpaalam sa GMA Network," sabi pa ni Carlo. "Touched ako, naramdaman ko ang love and care nina Ms. Wilma Galvante [GMA Senior Vice-President for Entertainment-TV] at Ms. Darling de Jesus (GMA Program Manager for Variety Shows) kay Kaye nang kausap namin sila. Ibinilin nila sa akin na alagaan kong mabuti si Kaye at siguruhing no harm will happen to her.  Siniguro ko naman sa kanila na ibibigay ko kay Kaye kung ano ang alaga at love na ibinigay nila. Alam ko rin kung paano inalagaan ni Ms. Galvante and the late Bella Tan ng Universal Records si Karylle noong araw.  I will try to get the best opportunities for her."

Ilang years ang pinirmahang contract ni Karylle sa Stages at sa ABS-CBN?

"Sa Stages, nag-sign na siya ng three-year contract, pero hindi pa siya pumipirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, pinag-aaralan ko munang mabuti ang mga projects na ibibigay nila sa kanya. But sure na iyong pagpasok niya sa ASAP '08.

Tuloy ba sa December 14 ang pag-welcome kay Kaye sa ASAP '08?  Kailan naman siya papasok sa I Love Betty La Fea?

"Mabuti pa kayo, marami nang alam kay Kaye," natatawang wika ni Carlo. "Wala pa akong maibibigay na ibang detalye, iyong sa ASAP '08 pa lang. Sa Stages, pinag-aaralan namin kung saan ipapasok na record label ang album na natapos na ni Kaye. Siya ang nag-compose ng lahat ng songs doon, magaganda. Maraming interesadong record label and one of these days makikipag-usap na kami sa kung sino ang mapipili namin. Nakakatuwa dahil may mga endorsements na ring dumating, pero hindi ko pa pwedeng sabihin."

DINGDONG'S HELP. Kasama ba siya ni Kaye na pupunta sa Las Vegas para sa pagkanta nito ng Philippine National Anthem sa Pacquiao-De la Hoya fight sa MGM Grand sa Las Vegas sa December 5?

"No, ang daddy niya ang kasama niyang pupunta roon.  Saka in fairness kay Dingdong, siya ang nag-push sa GMA Network na si Kaye ang pakantahin sa fight," volunteered ni Carlo. "Kahit ang pag-join ni Kaye sa West Side Story, si Dingdong din ang nag-push sa kanya. 

"Aminado naman si Kaye na maraming naitulong talaga sa kanya si Dingdong. And kung manonood si Dingdong ng laban sa Las Vegas, may possibility na magkita sila dahil friends naman sila. And I'm sure, pagbalik ni Kaye from Las Vegas, she will open a new life."

Naalaalang itanong ng PEP kung alam ba ni Zsa Zsa [Padilla, Karylle's mom] ang paglipat ni Kaye sa ABS-CBN?

"Walang kinalaman si Zsa Zsa sa paglipat ni Kaye sa ABS-CBN, kami lang iyon ng daddy niya.  Pero updated siya ngayon ni Kaye kung ano ang nangyayari. Tinawagan na rin ako ni Zsa Zsa at pagbalik daw niya, we will have dinner, bilang pasasalamat niya sa ginawa ko kay Kaye."

Karylle'S LAST APPEARANCE. Ngayong araw, Sabado, November 22,  ang huling pag-appear  ni Karylle sa GMA-7, sa second part ng guesting niya sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5 with chairman of the blackboard Janno Gibbs at 10 classmates sa show. Si Karylle kaya ang maging unang millionaire ng game show na mapapanood pagkatapos ng Pinoy Records.

Source: Philippine Entertainment Portal