Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carlo, mukhang rapist!

Carlo, mukhang rapist!

Author: Ruel Mendoza

NATATAWA na lang si Carlo Aquino dahil palagi siyang ginagawang rapist sa TV. Sa bagong Sine Novela nga ng GMA 7, ang Maging Akin Ka Lamang, gagahasain na naman niya si Isabel Oli.

Nauna na nga niyang ni-rape noon si Valerie Concepcion sa isa pang Sine Novela.

“Mukha yata akong ra­pist kaya ako kinukuha! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Carlo.

“Siguro nagkakataon lang na 'yung mga ginagampanan ko ay mang-rape sa pelikula. Ayoko naman na ma-typecast ako na rapist. Baka matakot na ang mga babae sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha!” dugtong pa ni Carlo.

Para kay Carlo, mahirap daw ang papel na isang ra­pist, kaya mas gusto niya na siya na lang ang nire-rape, na tulad nang ginawa sa kanya ni Desiree del Valle sa Tuli.

“Mahirap ang mang-rape kasi magkakasakitan kayo, eh. Pilitan 'yun 'di ba? Hindi naman yata rape ang tawag kung willing ka! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kung ako ang mare-rape at sobrang ganda at sexy ang girl na gagahasa sa akin, okey lang. 'Di ako lalaban kasi ayokong magkasakitan kami! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Hindi pa nga nakukunan ang gagawin niyang panggagahasa kay Isabel Oli sa Maging Akin Ka Lamang. Pero okey lang ba na magbantay ang boyfriend ni Isabel na si Paolo Contis sa set kapag kinunan na ang eksenang iyon?

“Okey lang naman siguro kasi eksena naman iyon, eh. Kailangan sa show.

Depende rin 'yun kay Paolo, eh. If he wants to stay, okey lang. I assure him naman na hindi ko masasaktan si Isabel. Careful naman ako kapag ganyang delicate na eksena,” say na lang ni Carlo.

Source: Abante