Sep 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

Carlos Agassi gustong maging international physical trainer

SA presscon ng Princess Sa-rah na pinagbibidahan ni Sharlene San Pedro ay nakausap namin si Carlos Agassi, na gumaganap bilang Philip Burows sa na-sabing serye. Nilinaw ng aktor na walang katotohanan ang nasulat tungkol sa kanya na diumano ay gumagami...

 

Carlos Agassi gustong maging international physical trainer

Author: Rommel Placente

SA presscon ng Princess Sa-rah na pinagbibidahan ni Sharlene San Pedro ay nakausap namin si Carlos Agassi, na gumaganap bilang Philip Burows sa na-sabing serye.

Nilinaw ng aktor na walang katotohanan ang nasulat tungkol sa kanya na diumano ay gumagamit siya ng steroids kung kaya maganda ang kanyang panganga-tawan. Gayundin ang balitang kasalukuyan daw si-yang nagda-dialysis dahil sa sobrang paggamit ng steroids.

"Never po akong nag-steroids, never po akong nag-dia-lysis. I don't see any reasons for me to take that kind of substances. And I don't see why people think na I take it. I mean, it's really hard siguro for some people na, wow, 'yung discipline ni Carlos sa pagkain, sa pag-workout. Kasi kapag naki-ta niyo po akong nakadamit sa-sabihin niyo lang slim, pero kapag naghubad parang dra-wing lang yung kata-wan,"sabi ni Carlos.

Matagal ding nabakante si Carlos. Habang naghihintay ng project ay nag-enroll siya sa American Council on Exercise (ACE) sa Physical Training.

"Kapag naipasa ko po iyon next year, November (2008), physical trainer na ako all over the world. And kinukuha ko 'yung ibang cre-dits ko sa De La Salle University, [B. S. ] Psychology and I'm gonna apply in U. P. for Nutritionist. And sana eve-rything goes well, one and half year, if I graduate, nutritionist na ako, Psychology [graduate], and physical trainer," aniya pa.

Na-depress ba siya sa takbo ng acting career at naisipan niyang mag-enroll sa ACE?

"Hindi po. May time lang na walang project. Si-yempre kung gagawa ka na rin lang 'yung gusto mo. So, I just waited for the right one and it's a blessing, ito, du-mating ang Princess Sarah.

"I'm so excited at katrabaho ko ulit si Diether (Ocampo), kagrupo ko sa Hunks, si Albert Martinez na napapanood ko noong araw pa, sina Direk Don [Cuaresma] at Direk Nuel [Naval] at si Sheryl," pagdidiin ni Carlos.

Source: Taliba