Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carmen, third party sa hiwalayang Lloydie-Liz

Author: Eric John Salut

LOVE talaga ni Kris Aquino ang Entertainment Live! hosts na sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Luis Manzano.

Pinadalhan niya ng text message ang three female hosts to assure them na hindi totoo na she is taking over their show.

Nagkaroon ng ganu’ng pangamba dahil ayaw na sana ni Kris bumalik sa The Buzz dahil gusto niyang intact ang kanyang Sundays para sa pamilya.

Agad namang naglabasan ang isyu na gagawin ni Kris ang Entertainment Live! tuwing Saturday. At ang latest nga, she has finally agreed to go back sa The Buzz, na contrary to reports, will stay sa Sunday slot.

Ever since, Kris is fond of the four Entertainment Live! hosts. In fact, she never misses an episode of the show.

Habang ongoing sa ere, Kris would send them text messages. Gusto niya ang style of hosting nina Toni, Mariel, Bianca at Luis. At higit sa lahat ang taste sa fashion ng mga ito.

Nabasa namin ang text message ni Kris kay Mariel. Knowing how babaw Mariel is, na-touch ito kay Kris.

* * *

INIINTRIGA ang relasyon ni John Lloyd Cruz with his fashion stylist girlfriend Liz Uy.

Umingay ang balitang split na sila. Diumano, may isang instance na nakitang nag-aaway sina John Lloyd at Liz sa labas ng isang Makati resto.

Kasunod ng balitang ito ay ang involvement diumano ni John Lloyd sa Malaysian actress na si Carmen Soo. Ang tsika pa, they were seen na magkasama sa isang sikat na mall although in The Company of some other friends.

Very vocal si Carmen sa pag-amin ng admiration niya kay John Lloyd.

Hanggang sa mga oras na ito, wala pa ring nakukuhang pag-amin o denial from either Carmen or John Lloyd. Hinihintay pa rin namin ang reply ni John Lloyd sa text message namin sa kanya tungkol sa isyu.

* * *

NAGTATAKA kami kung bakit hindi matapus-tapos ang issue ng dedmahan daw nina Toni Gonzaga at Nikki Gil. Nagkakatrabaho ang dalawa sa ASAP ’08 at sa nagtapos na Pinoy Dream Academy 2, pero hindi diumano nag-uusap ang mga ito.

Madalas na magkasama sina Toni at Nikki sa mga production number sa ASAP, pero hindi mo mapapansin ang diumano’y gap nila.

Tinanong namin ang aming kaibigang staff ng ASAP tungkol sa isyu.

“Hindi pa ba tapos ’yan,” ang nagulat na reaksyon nito. “Eh, okey naman sila. Magkasama pa sa dressing room. Sabay din ang rehearsals nila tuwing Saturday. ”

We don’t remember na nag-react sina Toni at Nikki para sagutin ang isyu. At base sa mga nakikita namin ’pag nagagawi kami sa live show ng ASAP tuwing Linggo, walang tension sa pagitan nila.

Baka naman sina Toni at Nikki lang ang hindi nakakaalam na may nangyayari na palang iringan sa kanila.

* * *

TIYAK na masayang-masaya ngayon si John Prats.

For the past three weeks ng Komiks Presents: Tiny Tony, consistent ang magandang rating nito. Nakuha nito ang timplang hinahanap ng Saturday afternoon viewers.

Mabilis na natapos ni John ang taping para sa show kaya puwede na siyang gumawa ng isa pang programa. Nakapagsimula na rin siyang mag-taping for I Love Betty La Fea, kung saan gagampanan niya ang role ng bestfriend ni Betty (Bea Alonzo), na mai-involve sa isang special friendship with a gay executive ng Eco Moda.

“Hindi siya relasyon,” paliwanag ni John. “Special friendship lang. At may reason naman kung bakit aabot sa gano’n, eh. Very realistic naman. ”

Special role lang si John sa ILBLF, pero tiyak na tatatak ito sa viewers.

Matutupad na rin ang pangarap niyang makasama ang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao sa isang programa.

Come November, magsisimula na silang mag-taping for a new show.

* * *

NASANAY na talaga kami sa bahay na si Ogie Diaz ang naghahatid ng showbiz news sa Umagang Kay Ganda. Halos isang linggo na pala mula nang tanggalin ang aming kaibigan sa naturang morning show.

Hindi na rin namin napapanood ang UKG dahil lately, napupuyat kami sa iba’t ibang meeting. Nalaman na lang namin na si Rica Peralejo na pala ang naghu-host ng showbiz segment.

One of these days, susubukan naming gumising nang maaga para mapanood si Rica.

Source: People's Tonight