Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Carmina nag-promo lang daw kaya umapir sa Wowowee

SO it's goodbye na talaga off cam kina Lovi Poe and Jolo Revilla. Iyak nang iyak si Lovi sa Central Jury segment last Sunday sa Showbiz Central and in so many words, it's like saying goodbye na talaga for Jolo kahit hirap si Lovi. Mas naging good dau...

 

Carmina nag-promo lang daw kaya umapir sa Wowowee

Column: Daily Insider
Author: Dinno Erece

SO it's goodbye na talaga off cam kina Lovi Poe and Jolo Revilla.

Iyak nang iyak si Lovi sa Central Jury segment last Sunday sa Showbiz Central and in so many words, it's like saying goodbye na talaga for Jolo kahit hirap si Lovi.

Mas naging good daughter lang siguro ang dalaga for her mother to reach such decision, pero as always, na confirm ang break-up kahit hindi sila nagsalita na naging mag-on.

Ang tanong na lang, kung papayagan pa rin ba ng mother ni Lovi na mag-team up sila ni Jolo.

Although sabi niya, hindi naman nakikialam ang kanyang ina sa career moves niya, baka kailangan na muna nilang mag-iwasan para wala nang dapat ikatakot ang mother ng young actress.

Sayang, ang ganda pa naman ng chemistry nila noon sa Kaputol ng Isang Awit.

Parang totoo.

'Yun pala, totoo nga.

Will be it a first and last for their love team?

* * *

HINDI raw lilipat si Carmina Villarroel.

Nilinaw agad ni Dolor Guevara sa Unang Hirit yesterday that Carmina is not moving out of GMA-7. May promo lang daw kasi na kailangang gawin si Carmina kaya siya na-panood sa Wowowee late last week.

Sobrang sure pa naman ang nagkuwento sa amin na nakita nga raw sina Carmina and her manager Dolor paakyat sa 3rd floor ng ABS -CBN last week din for a meeting.

Either of the two na lang: Baka naman nabulag lang ang nakakita sa kanila at napagkamalang sila, or hindi nagkatuluyan sa ne-gosasyon kaya balik-GMA-7 si Carmina.

Anyways, kahit naman kami hard to believe for Carmina to leave her Sis family sa Kapuso kaya very confident pa rin ang production ng said morning show ng GMA-7 na hindi nga sila iiwanan when we talked with them.

Hopefully that clears up the issue.

* * *

MAY request ang GMA-7 Pinoy TV subscribers sa Magdusa Ka.

Sa Pinoy Exchange TV show thread ng said Sine Novela na part ng Drama Rama Sa Hapon, nagka-kasya na lang ang overseas subscribers of Pinoy TV na mapanood ang daily episodes sa isa pang website. Kahit nai-announce na raw na ipapalabas na ang Magdusa Ka this July, when they saw the upcoming shows of Siyete, wala sa listahan ang soap nina Dennis Trillo and Katrina Halili.

Right now, week seven na ang ipinapalabas sa Magdusa Ka at nag-iikutan na ang mga demandahan sa mga bida at kontrabida.

* * *

IT'S still the gay themed movies ang nagsisi-ikutan sa international festivals.

Digital Viva got an invitation for Ang Lihim ni Antonio sa upcoming New York Gay and Film Festival late this year.

For exhibition ito. Karga na rin ito sa promotion ng third movie collaboration nina Jay Altajeros and Lex Bonife na Kambyo opening this July 9 with a premiere on July 5 sa UP Film Center.

Kababalik lang naman ni Dante Mendoza from Sydney International Film Festival para sa exhibition doon ng Serbis na ipapa-labas this Wednesday (June 25) sa Robinson's Galleria Indie Sine rain or shine daw. Approved na for viewing ang Serbis after its second review from the MTRCB.

Kahit maraming pinutol, meron pa raw namang mapapanood assured to us by the director/producer.

Next stop, ang Paupahan ng ATD Entertainment na may gay angle din.

Source: Taliba