Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Carmina-Zoren, binaha rin sa Pasig Bahay ni Gladys Reyes, lubog sa baha

Author: Abante

GRABE ang pinsalang iniwan ng bagyong Ondoy sa buong Metro Manila at ilang karatig na lalawigan. Walang sinino ang bagyong ito dahil mayaman ka man or mahirap, artista man o hindi affected talaga.

Si Cristine Reyes ang isa sa mga artistang naapektuhan ng todo dahil sa Provident Village, Marikina siya nakatira. Madaling-araw na halos nang magawa siyang ma-rescue mula sa bubong ng bahay nila.

Wala raw halos rescuers na makapasok sa subdivision dahil sa ma­lakas na agos din ng tubig. Nakapag-post na si Cristine ng status niya sa Facebook Sunday morning saying na okay na siya at ang family niya.

Kasalukuyan daw siyang nasa bahay ng ate Ara Mina niya.

Ayon kay Cristine, ang nakapag-rescue sa mga pamangkin niya ay ang kanyang mga ka­patid sakay ng jet ski at siya naman ay si Richard Gutierrez na mga bandang ala-una ng umaga. Kaya nagtataka siya kung ano raw ang nangyari sa gobyerno natin na mas nagawa pa silang ma-rescue ng mga kapatid niya at ni Richard?

Si Jennica Garcia ay inabot din hanggang second floor ang baha sa loob ng bahay nila sa Commonwealth. While early morning ng Linggo ay inuulat pa sa special telethon ng ABS-CBN na ang singer na si K Brosas at ang babaeng anak niya ay nanghihingi rin ng rescue dahil kasalukuyan pang nasa bubong ng bahay nila sa may Marcos Highway.

At maging si Sylvia Sanchez din daw at ang mga anak nito.

Sa Facebook na namin nabasa ang nangyari rin kay Carmina Villarroel na nasa second floor na lang din ng bahay nila. Kung i-describe niya ay may pool daw sila inside their house dahil sa baha.

Sina Carmina at Zoren Legaspi ay nakatira sa Pasig. Nagpapasa­lamat na lang din siya at okey silang pamilya.

Si Gladys Reyes naman na nakatira sa Vista Verde, isa sa mga subdivision sa Cainta, Rizal na sobrang apektado ng bagyong Ondoy ay hindi pa rin nare-rescue sa kanilang bahay tanghali na ng Linggo.

So far, hindi pa mabilang ang estimate ng mga taong namatay, napinsala at nawalan ng taha­nan at mga ari-arian dahil sa naturang bagyo. Kung titingnan ang nangyari dahil sa bagyong Ondoy, masasabing mas mabagsik pa ang iniwan nitong bakas kumpara sa bagyong Milenyo noon.

Anyway, sa mga ganitong kalamidad makikitang nagkakaisa ang bawat Filipino at maging ang network war ay naiisantabi.

Sa special telethon ng ABS-CBN ay maaga pa lang naka-live na sina Kris Aquino, Piolo Pascual, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Kim Chiu, Nikki Gil, among others.

Habang sa GMA-7 naman, ang mga SOP stars at ilang Kapuso per­sonalities like Dingdong Dantes, Rhian Ramos ang ilan sa mga nagli-lead ng special telethon at show para sa mga nasalanta ng katatapos na bagyo.

Source: Abante