Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cass Ponti admits her first love is being a cover girl

Cass Ponti admits her first love is being a cover girl

Author: Arniel Serato

Isa sa pinaka-visible sa mga TV guestings ngayon ang grupong KoolChx. Ayon pa kay Cassandra Ponti, masaya sila sa grupo dahil marami silang mga corporate shows, TV guestings at provincial shows. " Kasi marami kaming shows sa awa ng Diyos, so happy ako kasi at least masaya yung KoolChx." Masaya din siya na sa mga PBB graduates, isa siya sa matagumpay na hindi pa naman lumamlam ang career. " Sa Wowowee minsan tapos sa ASAP din minsan pero at least kahit wala akong regular show after PBB andito pa rin ako. Happy pa rin ako kasi marami na sa PBB yung wala na pero I'm happy kasi andito pa rin ako."

Nami-miss na din daw niya ang acting. "Acting pa rin siyempre yung love ko and then sa ngayon kasi na line-up ako dito sa group, so as of now ito muna yung pinagkakaabalahan ko. Naghihintay lang naman ako ng projects kasi sa dami ng talent namin sa showbiz, so ako andyan lang ako at least hindi nawawala so happy na ako dun." Sa ngayon daw, dagdag blessing sa kanya ang pagka-renew ng kontrata niya sa Star Magic.

Naging successful din daw ang pag-pose niya ng sexy sa isang men's magazine at balitang bestseller ito noong nakaraang taon. At first love daw talaga niya ang maging covergirl. " Nag-start ako, before entering PBB nakilala ako as cover girl so parang hanggang ngayon nakilala ako sa ganun. Almost 4 years na kami, lalo na ako sa showbiz after PBB so nandyan pa rin ginagawa ko parin yung first love ko na maging cover girl so hangga't may kumukuha, go lang ako ng go."

Pinabulaanan din nito na may mga namumuong iringan sa grupo. " Hindi ko alam kung san nangagaling yan kasi basta ang masasabi ko lang masaya kaming KoolChx kasi marami kaming work at the same time nakakapag- guest kami sa Wowowee and sa ASAP and kasama kami sa Summer Station ID ng network namin kaya happy kami." At kung sakali daw na may mga ganung problema, siya daw mismo ang aayos bilang 'ate' ng grupo. " Siguro pag dumating yun dahil siguro ako yung ate nila, ako yung nasa gitna lagi. I'll make sure na walang ganyang mangyayari."

Sa usapin sa lovelife, pinili daw muna niyang isantabi ito hangga't may puwang pa siya sa showbiz. " Kasi sa ngayon nabigyan ako ng chance na makapasok sa showbiz so set aside ko muna yung love life para sa akin muna, work work work wala munang love life."

Catch Cass and the rest of the KoolChx at the Kapamilya Chat tomorrow April 24 at 3PM (Manila Time). Log on to chat.ABS-CBN.com on how to register and participate in the chat.

Source: ABS-CBN Interactive