Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cass Ponti, type maging 'Burlesk Queen'!

Cass Ponti, type maging 'Burlesk Queen'!

Author: Abante

TINODO na ni Cass Ponti ang paghuhubad sa November issue ng Playboy magazine ngayon.

“Oo! Sobrang napaka-daring niya talaga. Belt lang ang suot ko! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi ni Cass.

Kitang-kita nga ang alindog niya sa mga pictorial niya roon. Pero, in fairness, wala namang nakitang nipple or anything below.

“Pero sa movie, siguro kapag ibinigay sa akin ang Burlesk Queen na project, ipakikita ko na lahat. Ha! Ha! Ha!

“Eh, ultimate dream ko talaga 'yun, kahit before pa, sa mga interview sa akin, sinasabi ko talaga na ultimate role ko 'yun.”

Masaya si Cass sa pagkakapili sa kanya ng Playboy na maging cover girl, na kung saan, may tribute pa ang magazine sa first Bond girl na si Ursula Ortiz.

Kuwento niya, pati 'yung ginamit nilang bahay sa New Manila as location for the shoot ay first time na napapayag na pagamit nito ang bahay.

“Hindi ko nga alam kung bakit, pero, 'di ba, nakakatuwa naman na pumayag siya noong ako na 'yung magko-co­ver pictorial. At saka, sobrang proud ako sa ginawa ko rito kasi, kahit si Edu Manzano, binigyan ko kasi siya ng copy nang mag-guest ako sa show niya. Siya mismo, sinabi niyang tastefully done raw. So, happy naman ako siyempre.”

Iba raw ang dating kay Cass kapag sa Playboy ka nag-pose.

“Noon pa, iniisip ko na sana, ako rin! Kaya noong ini-approach nila ang Star Magic, humingi sila ng consent, tapos, tinawagan na ko na okey na. Kaso sobrang daring raw ang peg. Pero sabi ko, okey lang, kasi, nag-pose na naman ako sa men's magazine.”

Source: Abante