|
|
| Cassandra Ponti, kinabubuwisitan!![]() Author: Rey Pumaloy KINABUBUWISITAN daw ng mga kagrupo niya sa Koolchx si Cassandra Ponti? Sabi-sabi na feeling superstar daw kasi si Cassandra, kaya marami ang nagagalit sa kanya? Nandiyan `yung palagi raw itong late sa rehearsal nila, at hindi raw marunong mambati sa mga kasamahan niya? At feeling leader din daw ito na panay ang pansin kapag may nagkakamali sa mga kasamahan niya? Sa panayam namin kay Cass, gulat na gulat ang aktres sa mga tsismis sa kanya. “Hindi totoo 'yan na nagpi-feeling superstar ako. In the first place, hindi ako malaking artista. “Wala akong karapatang mag-feeling superstar dahil wala pa naman akong napapatunayan. Kung meron mang may karapatang mag-feeling superstar, 'yun 'yung mga totoong big stars. “Nakakahiya naman umarte ng ganon. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng staff, na hindi naman ako sikat, feeling sikat na agad. “Atsaka, ever since naman hindi ako nag-inarte,” depensa ni Cass sa sarili. “Ako ang pinakamatanda sa lahat. Twenty seven na ako at ang mga kasamahan ko ay 19, 20, at 21 lang. Ang tingin nila sa akin ate. “Hindi siguro masama kung magbigay ako ng pointers sa kanila pagdating sa pakikiharap sa mga tao. Gina-guide ko lang sila kung ano ang dapat gawin. “Actually, mas binibigyan ko sila ng chance na mag-shine. Mas maganda kung lahat kami napapansin. “Sa mga damit, sinasabi ko sa kanila kung ano ang maganda para sa grupo namin. Pero siyempre, ang may say pa rin sa lahat ay ang nagbuo ng grupo namin. “Kinausap kami ng masinsinan ni Mr. Manahan, at sinabi niya na ituring naming pamilya ang mga kasamahan namin. At so far, maganda ang samahan namin. May respeto kami sa isa't isa,” pahayag pa ni Cass. Siyanga pala, tatlong taon na raw na bakante ang puso ni Cass. “Hindi na nasundan 'yon. Nalulungkot ako kapag naiisip ko na ang tagal ko na palang walang boyfriend. Pero okey lang, kasi naka-focus ako sa career ko ngayon. “Parang kulang sa oras kung kukuha pa ako ng boyfriend. Kapag may boyfriend kasi, hindi puwedeng hindi mo siya bigyan ng atensyon. “Madalas nagkakaroon ng problema dahil ayaw nila na nagpapa-sexy ako. Ayaw nilang makita na may nakakasama ako na iba't ibang lalake sa TV. “Ang selos, 'yun ang madalas na pag-ugatan ng away. “Kung may darating na kasunod na lalake sa buhay ko, sana suportahan niya ang career ko. Kung walang ganu`ng lalake, okey na siguro na mabakante na lang ang puso ko,” nakangiting say niya. Source: Abante |