Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cassandra Ponti kinukunsinti ng mga Madre sa pagpapa-sexy

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HINDI pa nakaka-reco-ver si Polo Ravales sa break-up nila ni Jean Garcia.

Sa premiere night ng Walang Kawala na idi-nirek ni Joel Lamangan, na-interview namin si Polo at nagsabing gusto niyang makipag-usap nang masinsinan kay Jean Garcia para ibalik ang kanilang naunsiya-ming relasyon.

Inamin sa press ni Po-lo na so far, sa mga naka-relasyon niya, tanging si Jean lang kanyang ibig balikan.

Naniniwala si Polo na hindi lang sila nagkau-nawaan nang husto ni Jean, kaya naputol ang kanilang ‘matamis’ na relasyon.

Mali ang balitang nag-kagalit sila ni Jean dahil sa pagtanggap niya ng gay role sa Walang Ka-wala kung saan may romantic scenes sila ni Joseph Bitangcol.

May love scenes din si Polo sa baguhang si Althea Vega na gumanap bilang misis niya sa mo-vie. Mayroon silang sizzling bedscenes sa Walang Kawala.

* * *

PATAKAW lang sa mga lalaki ang ipapakita ni Cassandra Ponti.

Ayaw niyang ibu-yangyang ang kanyang nipples at pubic hair. Private parts na raw niya ‘yon na ‘di niya puwe-ding i-share sa publiko. Kaya naman artistic shots lang ang mga kuha niya sa issue na lumabas ngayong November sa Playboy Magazine, Phi-lippine edition.

Nakilala si Cassandra sa Pinoy Big Brother, ngayo'y member na siya ng Kool Chx at lumalabas na regular sa Wowowee at ASAP.

Binigyan siya ni Mo-ther Lily ng break sa mo-vie na Shake, Rattle and Roll 9 na ipinalabas last year.

Bago pala naging mo-delo at sexy siren si Cassandra, nagtapos muna siya sa kolehiyo, sa St. Mary's College sa Davao City. Tapos siya ng kursong Bachelor of Arts in Economics. Dahil sa pag-aaral niya sa convent, may pagka-conservative pa rin daw siya sa pagpapa-seksi.

Hilig lang daw niya talaga ang showbiz. At na-unawaan siya ng kanyang mother at nag-iisang brother. Ipinagmamalaki pa nga siya ng kanyang brother dahil nasa showbiz na siya.

Maipagmamalaki naman ni Cassandra na kahit sexy ang image niya, wala namang ‘private parts’ siyang ini-expose.

* * *

LOYAL si Chris Tiu sa GMA Network.

Nasabi niya sa isang staff ng Pinoy Records na hinding-hindi niya iiwanan ang Kapuso na nagbigay sa kanya ng big break sa paghu-host ng show sa national television.

May lumabas ka-sing issue na gusto raw kunin ang serbisyo niya ng isang network para sa isang show nila.

Anyway, nagpapa-advanced taping si Chris para sa dalawa niyang shows, Pinoy Records at Ripley’s Believe It or Not. May naka-schedule na trip na naman ang family niya sa Japan ngayong November.

Sa Pinoy Records ngayong Saturday, aba-ngan ang labanan ng bi-rit queen na sinalihan ng mga celebrities na sina Sheree, Jayann ng Pinoy Idol at ni Patricia Ysmael. Iba't ibang lugar ng biritan ang kanilang ga-gawin. Iba't ibang kanta rin ang kanilang ipi-perform. Patibayan ng lalamunan daw ito.

Tampok sa Pinoy Book of Records ang ma-kasaysayang Iloilo kung saan matatagpuan ang kauna-unahang public elementary ng bansa (Ba-luarte Elem. School), ang oldest golf course in the Philippines (Santa Barbara Golf Course) at ang Deco's Batchoyan, ang pinagmulan ng original La Paz Batchoy.

At sa Pacman on the Road, alamin ang mga panlaban ng magkatunggaling sina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya at pakinggan ang iba’t ibang opinyon ng mga boxing expert.

* * *

NABUKING sa Nuts Entertainment si Pekto na may crush kay Aicelle Santos ang Pinoy Pop Su-perstar.

Panauhin sina Aicelle, Jonalyn Viray at Maricris Garcia sa Balakubak portion ng Nuts.

Dito na lumabas ang isyu na matagal na palang crush ni Pekto si Aicelle.

Anyway, masarap abangan ang kaseksihan ni Jenny Miller nang pumunta siya sa Fitness First kung saan nagkaroon ng games na Truth and Consequences.

Unti-unting huhubaran si Jenny at ito’y sa ha-rap ng machong kalalakihan na mga nadyi-gym nang oras na iyon.

* * *

MARAMI pa ring episodes ng Takeshi’s Castle ang mapapanood natin tuwing weekends dahil lalo pang pinagaganda ng network ang show. Bukod sa new set, may bagong studio sila. Ang Studio B ng GMA-7 EDSA.

Maraming bagong local games ang ii-introduce. At kabilang sa mga panauhing artistang mag-lalaro ay sina Diego Llorico, Jay Viado, Marco Alcaras at Paolo Paraiso.

Source: Taliba