Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Celebrities join relief efforts for 'Ondoy' victims

Celebrities join relief efforts for 'Ondoy' victims

Author: Fidel Jimenez
Column: Entertainment

Nakiisa na rin ang mga celebrities sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy," kabilang na sina sina Dingdong Dantes, Alfred Vargas at KC Concepcion.

Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na mismong si Dingdong ang nanguna sa iginagawang relief operation sa Brgy Manggahan sa Pasig City.

Si Dingdong mismo ang nag-abot ng relief goods o nakasupot na pagkain na naglalaman ng noodles, canned goods at bigas sa mahigit 1,000 pamilya na nasalanta ng bagyo sa nabanggit na barangay.

Katulong ng aktor sa kanyang pamamahagi ng tulong ang mga volunteers sa itinatag niyang Yes Pinoy Foundation, at mga tauhan ng Philippines Marines at Philippine National Red Cross (PNRC)..

"Nakita natin yung needs specially sa ganitong klase ng time of crisis, people stated donating so we decided to organize today and we sited this area nga na wala pang pumupunta at nagbibigay ng relief operation," paliwanag sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras ni Dingdong nitong Martes.

Si Dingdong na gumaganap sa papel na "Cholo" sa bagong soap opera ng GMA 7 na Stairway to Heaven.

This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Dumating din sa lugar na nakabisiklera at tumulong ang mga kaibigan ng aktor at kapwa Kapuso stars na sina Dennis Trillo, Antonio Aquitana, at John Fier.

Samantala, sa San Francisco del Monte sa Quezon City at Industrial Village naman namahagi ng tulong si KC Conception. Kasama ng aktres sa pamamahagi ng relief goods sina Mark Bautista at Direk Joyce Bernal.

Personal ding bumisita sa evacuation center sa Brgy Silangan sa Quezon city ang Kapuso star na si Alfred Vargas. Bukod sa mga relief goods, nagpakain din si Alfred at nagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga namatayan.

"I think this is the time for use na ilabas ang puso natin. We must look deep into our hearts na kailangan na ring tumulong, and there's lot to be done. Ang nawawala kasi rito basic necessity shelter, food , clothing," ayon kay Alfred.

Bukod sa mga artista, abala rin ang mga unibersidad sa pagkakaloob ng tulong gaya ng Ateneo de Manila at De La Salle University. Nagkakaloob din ng kani-kanilang tulong ang Philippine National Red Cross at Metro Manila Development Authority at Department of Social Welfare and Development.

Source: GMANews