Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cellphone ni Richard hawak ni Marian

Cellphone ni Richard hawak ni Marian

Author: Master Showman Kuya Germs
Column: That's Entertainment

Obvious sa napapanood kong teaser ng bagong tambalan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera na mayroon silang chemistry, malakas. Kahit pa sabihing walang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa, ang friendship na nabuo sa kanila ay sapat na para makita na maaari silang maging isang mahusay na tamba­lan. Sa tradisyon nina Vilma Santos at Christopher de Leon na maski na nung nagkaroon na ng sari-sarili nilang pamilya ay hindi pa rin napatid ang pagiging isang matagum­pay na loveteam sa pelikula.

Nothing is impossible, di ba mga fans? Pareho namang available ang dalawa. Richard's girl is far away and whoever Marian's guy is, hindi pa naman niya inaamin.

At hindi ko naman sila ipinagpipilitang dalawa, natutuwa lang ako sa kanilang friendship, kabagu-bago pa lamang pero marami nang indikasyon na yayabong at magtatagal.

Ipinagkakatiwala na ni Richard ang kanyang cell­phone kay Marian. Pati ang mga messages niya ay malaya nitong mababasa, with his permission, of course.

Sabi ni Mother Lily, who's co-producing their Valentine movie together na may titulong My Bestfriend's Girlfriend, together with GMA Films, ay magkamukha sila. Di ba indikasyon din ito ng isang relasyong more than friendship? Ewan ko pero, yung mga bruha kong sekretarya, kilig na kilig! Ganito sila kakilig nun kina Sharon & Gabby.

Three years nang successfully gumagawa ng Valentine movie ang binata nina Annabelle at Eddie.

Ang tatlong movies na ginawa niya, lahat kumita sa takilya. Hindi rin naman siya romantically linked sa kanyang nakapareha which only proves na kapag maganda ang proyekto, pinipilahan ito sa takilya.

Maganda ang My BFGF, isang romantic comedy na ginawa ni Mark Reyes. Isang kilig movie na gusto ng manonood. At siguradong lalabas sila ng sinehan na nakangiti. Biruin mo, sina Kamandag at MariMar, ang daming kissing scenes!

* * *

Cute ang kaprangkahan ni Marian Rivera. Inamin niya sa presscon ng BFGF na muntik na niyang sagutin si Mark Herras. Nagka-MU-han din pala sila. Nangako siya na sasagutin ito pagbabalik nito from the US na kung saan ay nag-shoot sila ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Pero, may hindi magandang nangyari kay Mark sa US kaya sa halip na sagutin niya ito ay binasted niya.

 Hindi rin ipinagkaila ni Marian na nakatatlong boyfriend siya bago siya nag-artista. Lahat serious. Di siya naniniwala sa fling-fling. Lumalabas daw siya ngayon at nakikipag-date pero nothing serious daw. Ooows?!

At kaya naman pala siya maganda ay dahil produkto siya ng inter-racial marriage. Espanyol ang kanyang ama na kahit nakahiwalay na ng kanyang ina at may iba nang pamilya ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.

Sa kanyang lola sa ina lumaki si Marian dahil nagtrabaho sa abroad ang kanyang ina. Regular din ang komunikasyon nila at dito ito nag-Pasko. Both parents ay against sa kanyang pag-aartista pero nasa edad na si Marian at desisyon niya ang pumasok ng showbiz. Nakuha naman niya ang blessing nila.

Source: The Philippine Star