Oct 07
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Celso Ad babalik na sa PAGDIDIREK

Kung hindi pa bumalik ng bansa si Natalie Palanca, movie producer, PR specialist at talent manager, ay baka hindi pa nahikayat ang magaling na direktor na si Celso Ad Castillo na iwan sumandali ang kanyang matahimik na buhay sa Quezon at balikan ang ...

 

Celso Ad babalik na sa PAGDIDIREK

Celso Ad Castillo

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Kung hindi pa bumalik ng bansa si Natalie Palanca, movie producer, PR specialist at talent manager, ay baka hindi pa nahikayat ang magaling na direktor na si Celso Ad Castillo na iwan sumandali ang kanyang matahimik na buhay sa Quezon at balikan ang magulong buhay ng showbiz.

Dumating ng bansa si Natalie mula sa kanyang matahimik ding buhay sa piling ng kanyang mga anak sa US para balikan ang trabahong matagal niyang na-miss.

Sino ba ang gugustuhin niyang maka-tandem muli kundi ang direktor na nagbigay sa ma­ta­gum­pay na pagsasama nila, lalo na nang gawin nila ang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na nagtampok kay Gloria Diaz.

Hindi naman siya nabigo, positibo ang naging tugon sa kanya ni Celso Kid.

Isang co-production venture ang gagawin nila, isang indie film, at makakasama nila ang isang Fil-Spanish na unang nakilala rito sa atin bilang isang singer pero, nainip sa bagal ng usad ng kanyang career kung kaya nangibang bansa ito, at pinalad naman siyang sumikat di lang sa bansang Espanya kundi maging sa buong Europa.

Siya si Rozanno Martin, na naka-ipon na ng sapat para makapag-venture sa isang indie film, sa tulong din ng kanyang manager na si Vir Mateo.

* * *

Kilala na ang pangalan ni Mocha sa local at international entertainment circuit.

Ngayon ay mas makikilala pa siya dahil bukod sa nasa Viva Records na siya ay mayro'n pa rin siyang mga kasama at ang grupo nila ang itinuturing na pinaka-seksing girl group sa kasalukuyan.

The New Dance Craze Patcha ang title ng unang album nila na hindi lamang bumebenta ng husto kundi nakagawa pa rin ng isang dance craze. Ang iba pang tracks sa album ay ang Twirl and Shake It, Hawak Mo Ang Aking Kamay, Giling Mo, Yadidadi at Sige (Paalam na).

Ang mga kasama ni Mocha ay sina Bambie, produkto ng Searh for the Dance Idol ng ABS CBN; Bez, Grace at Hershey na mga bahagi ng Adamson University Pep Squad.

* * *

Salamat nga pala sa mga nag-email para batiin ako sa aking isinulat tungkol sa pagtatapos ng anak kong babae sa medisina. Tulad ni Terry Albano na med graduate din pero nurse sa US, sila ng mister niya.

At si Theresa Barr na nabigyan ko ng inspirasyon sa aking isinulat.

Ang mga katulad ninyo ang nagpapaganda sa aking buhay at trabaho bilang entertainment writer o movie reporter.

* * *

Sunud-sunod din ang projects ni Candy Pangilinan. Matapos ang mata­gumpay na Apat Dapat Dapat Apat, heto at kasali siya sa bagong teleserye ng ABS CBN na Princess Sarah.

Siya si Amelia, ang mabait, konserbatibo pero malikot at magulong parang batang kapatid ni Miss Minchin (Sherly Cruz). Takot siya sa kanyang kapatid.

Hindi pa siya naku­ku­nan nang makausap ko siya sa set ng Princess Sarah nang pasyalan namin ang teleserye sa Baguio ka­sama ang ilang kapatid sa panulat. Pero lampas alas-7NG na yun.

“Umaga pa ako rito pero hindi pa ako naku­kunan. Buti nga hindi pa ako nagsusuot ng cos­tume pero itong buhok ko kaninang umaga pa ganito, kaya matigas na,” imporma niya.

“Hindi ang costume ko ang nagbibigay sa akin ng excitement kun­di ang pangyayaring makaka-eksena ko si Sheryl na kilalang epektibo at magaling na kon­trabida. Hindi ko alam kung paano ko aatakehin ang role ko eh, opposite ang personalities namin,” dagdag pa niya.

Siyanga pala, gusto kong humingi ng paumanhin sa direktor ng serye na si-Noel Naval dahil ngayon ko lamang nabanggit ng tama ang pangalan niya. Sorry Direk!

* * *

Wala talagang hindi gagawin ang mga taga-Showbiz Central para mapanatili ang pama­mayani nila sa rating against their rival.

Ngayong hapon, si Wendell Ramos ang isasalang nila sa lie detector test. Matapang si Wendell, wala ba siyang sikreto na puwedeng mabulgar sa show?

Sino naman itong sexy actress na ginugulpi pala ng asawa kaya ang ginawa niya ay tinakasan ito at dinala pa niya ang kanilang mga anak.

Diyusme, di ba niya alam na hindi na uso ang ganitong kalupitan ngayon? Marami siyang mapagsusumbungan, puwede pa niyang ipakulong si mister. Bakit hinayaan pa niyang tumagal ang pagmamalupit nito sa kanya?

Hindi pa man dumarating ang Araw ng mga Patay ay binabagabag na ang isang singer/actress ng isang multo na di lang siya tinatakot kundi ginagaya pa ang kanyang anyo. Mataray si multo, gusto pa yatang mag-artista rin!

Ilan lamang ito sa pambatong istorya ng Show­biz Central ngayong hapon kaya huwag paka­kawalan. Kayo rin mami-miss n'yo ang mga ito at mahuhuli kayo sa mga pangyayari sa showbiz.

* * *

May choral com­petition na itataguyod ang Cultural Center of the Philippines sa pa­kikipagtulungan ng Ma­nila Broadcasting Com­pany para sa mga chil­dren's choir sa buong Metro Manila. Bukas ito sa lahat ng iskwelahan, parokya, distrito na may miyem­brong may edad 14 pababa at hindi ba­baba sa 20 members at di rin lalagpas sa 30 mem­bers.

May audition sa Dis. 18-21. Limang grupo ang isasabak daily at ang top 2 sa bawat araw ay maglalaban sa grand finals sa Dis. 22 sa CCP grounds. Ang mananalo rito ay tatanggap ng P100,000, tropeo at iba pang regalo. Sa daily rounds winner, P10,000 ang nakalaan plus ang pagkakataong maka­pagtanghal sa Star City at may dagdag na bonus incentives.

Para sa iba pang de­talye, tumawag sa 729­6254/09063099595/09194885409 at hana­pin si Ms. Susan Ar­cega.

* * *

veronicasamio­@yahoo.com

Source: Pilipino Star Ngayon