|
|
| Cesar Montano bagong game-cum-singing hostAuthor: Nel Alejandrino KAKASA bilang host ng isang reality game-cum-singing show si Cesar Montano. Makakapalit ito ng isang game program na 'di yata (repeat, yata) masyadong kinakagat ng manonood. Right now, nasa cast si Cesar ng Palos, co-starring him with Jake Cuenca. * * * PUWEDE pa raw kayang makabangon si Patrick Garcia sa kanyang career ngayong dinurug-durog na ni Jennylyn Mercado ang kanyang reputasyon bilang tao at artista? Ito kasing si Jennylyn, parang pasttime na ang sira-siraan si Patrick, na kahit ano pa ang mangyari ay ama ng kanyang magiging anak. Kung sabagay, nangangahulugan lang ito na hell truly hath no fury like a woman scorned. * * * TODAY, Tuesday, gaganapin ang preview ng Supah Papalicious sa Studio 1 ng ABS-CBN. Expect Vhong Navarro, who is playing the title role, to bring his two boys, Isiah and Bruno, with him to the event. Mga ganitong pelikula raw ang gustung-gustong panoorin ng dalawang bagets. Eh, si Desiree de Valle, still his girl, according to Vhong, will she also be with the mag-aama? At the preview of X-44, Vhong last film before Supah Papalicious, nagmistulang nanny si Desiree ng two boys. In fairness to the actress, mukhang at home na at home sa kanya ang dalawang bata. In an interview with Vhong, kung gusto mo raw siyang mapaiyak, kantihin mo ang kahit sino sa miyembro ng kanyang pamilya. Ito raw ay kung hindi niya kayang suntukin ang, wika nga'y "kalaban. " Pero, minsan na raw siyang umiyak na 'di involved ang kanyang pamilya. Ito'y nang ipagpalit siya ng babaing minahal sa kanyang bestfriend. Nang mangyari daw 'yon, feeling ni Vhong ay nasaktan hindi lamang ang kanyang puso, kung hindi pati na ang kanyang pagkalalaki. * * * INAMIN ni Vhong na choice niya si Valerie Concepcion for his leading lady sa Supah Papalicious. "Frankly," ani Vhong. "Kung hindi tinanggap ni Valerie ang offer, I had no second choice. "Ang maganda lang ditto, kahit ang producer ko, Star Cinema, ay amenable sa aking choice," susog pa ni Vhong. "And, in fairness kay Valerie, she lived up to our expectations. "Based on the trailer of Supah Papalicious," ang patuloy pa ni Vhong, "parang wala akong makitang artista in her category who would have played the role as well as she did. I'd really like to congratulate Valerie. " Asked how she was able to convincingly play the part bilang ina ni Makisig Morales, na kung tutuusin, is only nine years younger than she is, Valerie, 19, related: "Feeling ko, walang pagkakaiba ang maging ina ng isang three-year-old, like my daughter, Fiona, or somebody older. Iisa lang ang patakaran ng pagiging isang ina. Kaya, it helped a lot na isa na akong nanay sa tunay na buhay. " And how was it working with Vhong? "Bongga si Vhong katrabaho," sagot ni Valerie. "Sobra ang alalay niya sa akin sa mga eksenang magkasama kami. "And it is just as well na si Makisig ang gumanap na anak niya sa Supah Papalicious. Like Vhong, Makisig is also good in comedy. " Source: People's Tonight |