Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cesar Montano puts the skills he had acquired from Muro Ami into good use

Cesar Montano puts the skills he had acquired from Muro Ami into good use

Author: Heidi Anicete

Maliban kay Gerald Anderson, dalawa pa di umanong artistang nagpapamalas ng kabayanihan ang namataan noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy sa Vista Real Classic, Quezon City; at ang mga ito'y walang iba kundi sina Cesar Montano at Bayani Agbayani, na parehong nakatira malapit sa nabanggit na subdibisyon. Lubos di umano ang pasasalamat ni Cesar na at di napabilang ang kanilang lugar sa nasalanta ng nasabing kalamidad, kaya naman bilang ganti'y minarapat na nitong magbahagi ng tulong sa mga sinawing-palad kasama ang kaibigan sa industriyang si Bayani.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, tulong-tulong sina Gerald, Cesar at Bayani sa pagche- check ng kalagayan ng mga tao sa paligid; sa kalagitnaan ng gabi't kasagsagan ng rumaragasang baha. Kanina sa isang panayam sa SNN , laking gulat ni Cesar na malamang si Gerald pala ang nakasama niya noon. Ani nga niya, hindi na raw niya maalala kung sino noon ang katu-katulong niya sa pagsagip ng ilang mga namemeligrong buhay dahil liban sa madilim ay masyado siyang naging pre-occupied sa talaga namang nakakatulirong sitwasyon. Bulalas nga niya kaugnay ng seryosong peligrong nagbabanta sa kani-kanilang buhay, " Makikipagkwentuhan ka ba no'n? "

Sa naging matapang na paglusong niya sa malalim na baha, lubos rin ang naging pasasalamat ni Cesar na minsan siyang nakagawa ng pelikula tulad ng Muro Ami. Pagbibigay pugay nga niya dito, malaki ang naitulong ng training na natanggap niya mula sa nasabing proyekto upang maisakatuparan ang intensyon niyang makatulong noon. Pagbibigay giit nga niya, " Buti na lang may experience ako sa Muro Ami; sanay ako sa tubig. "

Source: ABS-CBN Interactive