|
|
| Cesar, 'bibirit' sa 'Singing Bee'Author: People's Tonight BEE-birit na si Cesar Montano mamayang gabi sa The Singing Bee, ang pinakabagong singing game show sa primetime kung saan hindi kinakailangang nasa tono ang contestants, basta tama lang ang lyrics. Si Cesar ang napili ng ABS-CBN na manguna sa game show, kung saan pagsasamahin ang spelling bee style competition at videoke singing. Counterpart ni Cesar sa America ang dating N'Sync member na si Joey Fatone. Isang franchise mula sa Zeal Entertainment ang The Singing Bee, kung saan kinakailangan lang hulaan ng mga kalahok ang tamang lyrics ng mga kanta. Isang live band na kung tawagin ay Bandble Bee, sa pamumuno ni Mel Villena, ang tutugtog sa bawat awitin kasabay na ng pag-indak ng seksing dancers na Honeybees. Tatlong rounds ang pagdaraanan ng mga player bago makarating sa jackpot round — ang To Bee Continued (round 1), JumbleBee (round 2) at Showdown (round 3). Huwag palampasin ang star-studded na pilot week dahil makiki-bee-rit sina Derek Ramsay, Jodi Santamaria, Bayani Agbayani, Mickey Ferriols, Keana Reeves, Valerie Concepcion, Heart Evangelista, JayR Siaboc, Tado, Jamie Joaquin, Brod Pete at Pooh. Makikanta na gabi-gabi sa The Singing Bee simula ngayong Lunes, pagkatapos ng Kung Fu Kids, sa ABS-CBN Primetime Bida. * * * MAMAYANG gabi sa pag-uumpisa ng huling linggo ng Kamandag, laking gulat ng lahat dahil sa muling pagbabalik ni Kamandag na inakala ng lahat ay patay na. Haharapin nito ang mga pulis at ang iba pang alagad ng batas ngunit hindi niya sila papatayin. Sa ganitong paraan, maniniwala na ang mga pulis na si Kamandag at ang iba pang mababait na Ambog ay kakampi. Dadalhin naman ni Gulag sina Alicia, Lily, Doro at Ikoy sa Ambugraw para gawing alipin. Papatayin din daw niya ang mga ito. Simula na ng pag-ubos ni Gulag sa mga alipin sa Ambugraw. May magbabalita naman kay Agol na buhay pa si Kamandag kaya gagawa ito ng paraan para patayin ito. Si Ikoy naman, magkakaroon ng pagkakataong tumakas para humingi ng tulong sa mga rebelde. Pero, mahuhuli ito ni Agol at gagawinng pain kay Kamandag. Nakarating kay Gulag ang balita na buhay pa si Kamandag. Kaya, maghahanda ito sa kanilang muling paghaharap. Abangan ang lahat ng 'yan ngayong Lunes, pagkatapos ng Joaquin Bordado, sa GMA-7. Source: People's Tonight |