|
|
| Cesar braves floodwaters to help flood victimsAuthor: Heidi Anicete, Abs-cbn.com MANILA - Maliban kay Gerald Anderson, dalawa pa di umanong artistang nagpamalas ng kabayanihan ang namataan noong kasagsagan ng bagyong Ondoy sa Vista Real Classic, Quezon City. Ang mga ito'y walang iba kundi sina Cesar Montano at Bayani Agbayani na parehong nakatira malapit sa nabanggit na subdibisyon. Lubos di umano ang pasasalamat ni Montano na hindi napabilang ang kanilang lugar sa nasalanta ng nasabing kalamidad, kaya naman bilang ganti'y minarapat na nitong magbahagi ng tulong sa mga sinawing-palad kasama ang kaibigan sa industriyang si Agbayani. Ayon sa ilang mga nakasaksi, tulong-tulong sina Anderson, Montano at Agbayani sa pagche- check ng kalagayan ng mga tao sa paligid; sa kalagitnaan ng gabi't kasagsagan ng rumaragasang baha. Sa isang panayam sa SNN: Showbiz News Ngayon, laking gulat ni Montano na malamang si Anderson pala ang nakasama niya noon. Ani nga niya, hindi na raw niya maalala kung sino noon ang katu-katulong niya sa pagsagip ng ilang mga namemeligrong buhay dahil liban sa madilim ay masyado siyang naging pre-occupied sa talaga namang nakakatulirong sitwasyon. Bulalas nga niya kaugnay ng seryosong peligrong nagbabanta sa kani-kanilang buhay: "Makikipagkwentuhan ka ba no'n?" Sa naging matapang na paglusong niya sa malalim na baha, lubos rin ang naging pasasalamat ni Montano na minsan siyang nakagawa ng pelikula tulad ng "Muro Ami." Pagbibigay pugay nga niya dito, malaki ang naitulong ng training na natanggap niya mula sa nasabing proyekto upang maisakatuparan ang intensyon niyang makatulong noon. Pagbibigay giit nga niya, " Buti na lang may experience ako sa Muro Ami; sanay ako sa tubig. " Source: ABS-CBN News |